Maikalimang Anim na Kabanata

134 9 2
                                    

Matapos ang apat na araw ng pagdiriwang ng Pandot ay tumulak na patungong Bayan ng Bae (comprise with the present day town of Bay and some neighboring town as well in Laguna) sina Manawari at Udyat upang muling makipag-utay at palitan ng lako. Pagsikat pa lamang ng talang bakero (3:30 in the morning) ay lulan na ang dalawa ng kanilang bangkang Kupit na puno ng iba't ibang lako at binabaybay ang dakong patimog ng sapa.

Madilim pa kaya't tanging ilaw mula sa mga sorihile (small lamp) na nakasabit sa apat na poste ng bahaging may bubong ng kanilang kupit at sa duwong nito ang nagbibigay liwanag sa sapa. May nakakasalubong na rin naman silang mga bangka ngunit mangilan-ngilan pa lamang.

"Udyat, ano kaya sa wari mo ang madaratnan natin sa Bayan ng Bae? Marami rin kayang mga Kalakal (merchants) doon katulad sa Tundun?" Nangingikig at nangangatal sa lamig na tanong ni Manawari. Maging ang kasama nilang si Galak ay todo pamaluktot din sa labis na lamig sa paanan niya. Umulan ba naman sa nagdaang gabi kaya't higit ang lamig na kanilang nararanasan ng mga sandaling iyon.

"Marahil," sagot ni Udyat habang nakatayo ito patalikod sa kanya sa duwong ng kanilang kupit at naggagaod gamit ang isang bamboo pole. Nakasuot ang binata ng anib at salakot. "Ayon sa aking mga naririnig mula sa mga nagtutungo roo'y dinarayo rin daw ng mga Kalakal mula sa iba't ibang karatig bayan at malalayong lupain ang bayang iyon upang makipagpalitan ng lako."

"Sana'y makatagpo rin tayo roon ng---ha-hachoooo!"

Tumigil sa pagtutulak si Udyat at inahon muna ang kawayang gamit sa paggagaod. Tapos ay nilapitan siya.

"Dapat pala'y dalawang anib (cloak) ang iyong isinuot nang magkapatong upang may dagdag pananggalang ka sa labis na lamig," ika pa ng binata na hinubad ang suot nitong anib. "Ito. Ipatong mo pa riyan sa iyong anib."

"Sa iyo na iyan," tanggi ni Manawari. "Magkatulad lamang tayong nilalamig."

"Kaya ko naman ang lamig na ito. Gamitin mo na," giit ni Udyat. "Mamaya ay magkasakit ka pa."

"At ikaw rin! Maari ka ring magkasakit," sagot ni Manawari. "Isuot mo na iyang muli. Mamaya ay malamigan pa iyang likod mo." At magkapulmonya ka pa.

Atubiling isinuot muli ni Udyat ang anib nito. "May naisip akong paraan upang maibsan kahit paano ang lamig na iyong nararamdaman."

"Paano?" tanong ni Manawari.

"Ikaw sana'y huwag magalit."

"Bakit? Ano bang gagawin mo?"

"Ganito," ani Udyat na hiningahan ang mga palad pagkatapos ay pinagkiskis. Sunod ay hinawak ito ng binata sa magkasalikop at nanginginig niyang mga kamay.

Bumalong agad kay Manawari ang init na hatid ng mga kamay ni Udyat. Init na tila nanonoot hanggang puso.

"Hindi mo ba mamasamain kung gawin ko ito?" tanong ng binata sa kanya.

Hindi gaanong rumihestro sa balintataw ni Manawari ang sinabi ni Udyat ngunit napatango-tango siya nang marahan. She was so touch sa caring gesture nito na hindi niya magawang magtaray. Hindi mapuknat-puknat ang titig niya sa binata habang masaya na nitong ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi niya namalayan, may sumilay na pala na isang banayad na ngiti sa kanyang mga mata at labi.

Napansin ni Udyat ang kanyang pagtitig. "May...kung ano ba sa aking wangis?"

Napakurap-kurap si Manawari. "A-ah wala," aniya na naiilang na binawi ang mga kamay. "Bumalik ka na sa paggaod. Maayos-ayos na ang aking pakiramdam."

"Mabuti naman," wika ni Udyat at bumalik na sa duwong.

Ano, Manawari? Kaya pa? Anang boses sa isipan niya habang nakatitig sa likuran ng binata. SHUT UP! Asik niyang tugon sa sarili.

Ang Tampalasang AlipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon