"Wow! Ang ganda nga rito!" manghang bulalas ni Manawari nang marating nila ang sinasabi ni Udyat na munting lawa sa gitna ng damuhan.
Pakiramdam ni Manawari ay pumasok siya sa loob ng isang painting. Nasa loob ng gubat ang nasabing lugar at napapaligiran ng mga puno sa di kalayuan. Ang berdeng damuhan ay hindi kalaparan ngunit kay gandang pagmasdan lalo pa't may nagkalat na mga ligaw na bulaklak sa paligid nito.
Sa pinakagitna ay matatanaw ang isang roughly circular-shape na lawa. Mayroon itong maiksing wooden-made dock platform kung saan makikita ang isang nakahimpil na bangka.
"Waaahhh..." parang batang nagtatakbo sa damuhan na sigaw pa ni Manawari. Sinundan siya ni Galak at nakatuwaan nilang maglaro ng habulan na dalawa. "Habulin mo ako. Habulin mo ako. Bleeh..."
"Awr! Awr!" Kahol ng kahol naman na habol ng may kalakihan na ring tuta sa kanya.
Si Udyat naman ay itinali na muna sa isang puno ang anuwang nitong si Marikit bago sila sinundan. Tapos ay nagtungo sila sa dock platform.
"Whoa," bulalas na naman ni Manawari nang mapagmasdan ang lawa. Napakalinaw ng tubig nito at sinasalamin ang kulay bughaw at may kaunting kaulapan na kalangitan.
"Ibig mo bang sumakay ng bangka?" Tanong ni Udyat sa kanya.
Mabilis siyang tumango-tango. "Ibig ko! Ngunit ligtas bang sakyan ang bangkang iyan?"
"Oo naman," ani Udyat. "Kamakailan ko lamang iyan ginawa."
"Marunong kang gumawa ng bangka?"
Nahihiyang tumango si Udyat.
"Ang galing mo naman," puri ni Manawari sa kanya.
"Madali lamang naman gawin iyan. Siya, sumakay ka na."
Sabik na tumalima si Manawari. Sumampa siya sa bangka na may kaliitan at kasya lamang ang dalawang tao habang inaalalayan ni Udyat.
"Ikaw, Galak?" Tanong ni Udyat sa tuta nito. "Ibig mo bang sumama sa amin?"
Saglit na napatitig si Galak sa tubig pagkatapos ay kumahol ito at biglang tumakbo pabalik sa damuhan.
"Ayaw niya," ani Udyat na nasundan na lamang ito ng tingin.
"Hayaan mo siya. Halika na!" atat nang wika ni Manawari.
"Diyan ka lamang, Galak ha. Huwag kang lalayo," sigaw ni Udyat sa tuta bago nito kinalas ang tali ng bangka at sumakay na rin.
"Yeh!" Cheer pa ni Manawari nang magsimula nang magsagwan si Udyat. She even plunge her fingers unto the water and caress it while the boat is moving forward.
Napangiti si Udyat sa nakikitang kasiyahan ni Manawari. Tila bata ito na makakadanas ng pamamangka sa kauna-unahang pagkakataon.
"What a tranquil atmosphere," mutawi ni Manawari nang nasa gitna na sila ng lawa.
Napahinto sa pagsagwan si Udyat. "Ano?"
"Ah--ang ibig kong sabihin ay napakapayapa ng kapaligiran. Kay sarap magmuni-muni habang nakikinig ng musik--er...ng himig. Hayyy..." paliwanag ni Manawari. Tapos ay napasinghot siya sa hangin at napapikit. The peaceful place is giving her a serene feeling.
Mayamaya ay napadilat siya nang makarinig ng malamyos na musika. Namulatan niya si Udyat na nagpi-play ng flute na gawa sa kawayan. Itinukod niya ang mga siko sa tuhod pagkatapos ay nangalumbaba at nakinig. Napa-sway slowly pa ang ulo niya. Sobrang calming kasi ng himig na pinapatugtog ng binata. Animo dinuduyan nito maging ang kanyang kaluluwa.
BINABASA MO ANG
Ang Tampalasang Alipin
Ficção HistóricaIto ay kwento ng isang 21st century rich girl at sobrang malditang si Courtney Gale Lorenzana na nagising sa katawan ng isang Aliping Sagigilid sa Pre-colonial era pagkatapos itulak sa hagdan ng kanyang inaping kaklase. Ano kaya ang mangyayari ngayo...