Ikasiyam na Kabanata

153 8 9
                                    

Sobrang nahirapan sa pag-adjust sa kanyang buhay pre-kolonyal si Manawari. After all, hindi ito ang panahon na nakagisnan niya. At ngayong patapos na rin ang ilang araw na pahingang binigay sa kanya ng pinaglilingkurang Ginoo, pakiramdam niya ay malapit na siyang pumunta sa impiyerno.

"Kaka, bantayan mo muna itong niluluto kong dawa. Lilinisin ko lamang ang mga isda na aking sasabawan," ani Bituin isang magtatanghali kay Manawari.

Abala ang kapatid niya sa pagluluto habang siya ay nakaupo lang sa ikalawang baitang ng hagdang kawayan at nakapangalumbaba. Sa edad na dose ay marunong na itong magluto at napapakinabangan na sa mga gawaing bahay.

Hindi niya ito pinansin. Nagbingi-bingihan siya.

"Tigilan mo na ang iyong kakamukmok riyan. Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin matanggap na isa kang Aliping Sagigilid?" Inis nang sabi ni Bituin.

Buong umaga na kasi siyang nagmumukmok at walang ginawang gawain sa loob ng bahay.

Binalingan niya ito na masama ang tingin. "Sa tingin mo ay ganoon kadaling tanggapin iyon? I am living a rich and glamorus life and all of a sudden I became a slave? Don't you know how hard is this for me?"

"Magsalita ka nga ng nauunawan."

"Di huwag mong unawain. Gumawa ka na nga lang diyan."

"Ngunit kailangang may magbantay sa niluluto kong dawa. Hindi ito agad maaring mawalan ng apoy hanggang hindi pa kumulo. Malapit na ang katanghalian. Tiyak nakakaramdam na ng pagkadayukdok sina Ina sa bukid. Kailangan ko na siyang mahatiran ng pagkain."

"Huwag mo akong inuutusan!" asik niya. "At anong dayukdok ang pinagsasabi mo riyan?"

"Ikaw talaga ay lumalabis na, Kaka!" Ubos na ang pasensyang wika ni Bituin. "Napakasama na ng iyong pag-uugali! Isusumbong kita sa ating Ina!"

"Di magsumbong ka! Sinong tinakot mo? Lol." Malditang tugon niya.

Sa halip na makipagtalo ay nakabusangot na binantayan na lamang ni Bituin ang sinasaing nitong dawa. At nang kumulo na ito ay saka pa lamang naglinis ng mga isdang iihawin.

"Ako ay aalis na," paalam pa rin nito sa kanya nang maihanda na ang dadalhing pagkain sa bukid.

"Hindi iyan sinasabi. Ginagawa," ika niya.

"Hmph! Talagang ako ay aalis na! Nakakayamot kang kasama!" Galit nitong tugon at padabog na naglakad palabas ng bakuran nila.

"Aba't! Hoy! Ako lang ang may karapatang magsungit dito!" Sabi niya na napatayo. "Pinagtira mo ba ako ng makakain?"

Galit na huminto at lumingon si Bituin. "Huwag kang mag-alala. Kahit na ang sama ng iyong pakikitungo sa akin ay hindi ko pa rin maatim na ikaw ay gutumin. Naroon sa Katingan (big palayok) at mga Anglit (small palayok) ang sinaing kong dawa, nilagang saging at sinabawang isda."

"Mabuti naman," aniya at naupong muli. "Layas na!"

Inis na inis nang napatingala sa kalangitan si Bituin. "Araw, bakit nagkaganyan ang aking Kaka? Naway mabigyan ninyo nang kaliwanagan ang kanyang nasirang pag-iisip upang magbalik na siya sa dati. Hindi ko na kinakaya ang kanyang katampalasan."

Ang Tampalasang AlipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon