Maikapat Anim na Kabanata

150 14 6
                                    

"Lala...lalalala..." hum ni Manawari habang naglalakad sa loob ng gubat at pumapapak ng hinog na bungang sapinit. Pasway-sway pa siya.

Narito sila nina Udyat, Galak at Marikit upang manguha ng dagta ng punong Sahing na siyang ginagamit nilang langis sa oil lamps o sulo tuwing gabi.

Nanguha na rin sila ng iba't ibang bungang-kahoy na nakita nila sa loob tulad ng sapinit, tambis, tibig (fig fruit), at kuini (a mango variety). At dahil maaga pa naman, pinakain na muna ni Udyat ang alaga nitong Anuwang habang si Manawari ay naisipang magikot-ikot kasama si Galak.

"Hey, Galak! Fetch!" sigaw ni Manawari sa aso sabay bato ng isang putol na sanga.

Hindi tuminag si Galak at tinitigan lang siya.

"I said, fetch!" ulit pa niya ngunit hindi pa rin tuminag ang aso. "'Kunin mo yung sanga. Kunin mo!"

Si Galak na blangkong nakatitig sa kanya ay naikiling na lamang ang ulo.

"Nu ba yan! Wala ka man lang karia-reaksyon. Guess I'll have to teach you some tricks," ika ni Manawari. Kahit paano kasi ay may alam siya kung paano turuan ng mga simple tricks ang mga aso. "'Lika na nga!"

Kakalakad nila ay narating nila ang isang malawak na damuhan na umaalon-alon pa dahil sa pabugso-bugsong hangin.

"Whoaaaa...it's a meadow! A wide meadow!" Bulalas ni Manawari. "Balikan natin si Udyat, Galak! Sabihin natin dito na lang niya pakainin si Marikit. Ang ganda magtakbuhan dito!"

Tatalikod na sana siya nang mapansing hindi natinag ang aso.

"Awr! Awr!" Tahol nito bigla habang nakatingin sa isang dako ng damuhan.

Nang sundan niya ng tingin ang tinatahol nito ay nakita niya ang taong nakahiga sa di kalayuan na nang marinig ang pagtahol ni Galak ay biglang napabalikwas at napalingon sa gawi nila.

"Si Gat Palaba ba iyon?" Sinisipat niyang mutawi. "Siya nga!" aniya nang tumayo ang Ginoo at tila kinikilala din siya. "Lalapitan ko ba siya?" nag-aalinlangan pa niyang tanong sa sarili na napalingon-lingon. Nang maramdamang wala namang aura ni Adhira o ng mga kampon nito sa lugar na iyon ay lumapit na siya sa Ginoo. Dahan-dahan pa siyang bumaba sa padausdos na bahagi ng damuhan. "Swasti, Gat Palaba. Ano ang iyong ginagawa rito?"

"Iyan din ang aking tanong sa iyo. Hindi ko inaasahang makita ka rito," ika ni Palaba na may panglaw ang mga ngiti.

"Naparito kami ni Udyat upang manguha ng dagta ng Sahing." sagot ni Manawari. "Nagkataong nagawi ako rito."

"Ahhhh..." ani Palaba na hindi natutuwang marinig ang pangalan ni Udyat. "Ganoon ba. Nasaan siya?"

"Pinapakain pa niya ang kanyang Anuwang kaya't ito, naisipan ko munang maglibot-libot kasama nitong so Galak. Ikaw? Ano't naligaw ka rito? Mag-isa ka lamang ba?" Linga-lingang usisa ni Manawari.

"Oo. Ibig ko lamang mapag-isa sandali," tugon ni Palaba.

"Ganoon ba. Siya. Ako'y aalis na't tila nagagambala ko ang iyong pag-iisa." Tatalikod na sana si Manawari ngunit hinawakan siya sa braso ni Palaba.

"Er... Kung iyong mamarapatin ay maari bang samahan mo muna ako sandali rito?" ika ni Palaba. "Iyan ay kung ibig mo lang naman."

"Maari naman. Ngunit hindi ako maaring magtagal," tugon ni Manawari.

Sumenyas si Palaba na sila'y maupo sa damuhan.

"Uy Galak, dito ka nga sa kabila," ani Manawari kay Galak nang maupo rin ito at sa gitna nila ni Palaba pumuwesto. "Nakakahiya kay, Gat Palaba. Hindi ka pa naman naligo kanina."

Ang Tampalasang AlipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon