Ikalabing Dalawang Kabanata

140 8 10
                                    

Hinila ni Liway si Manawari patabi nang dumaan ang bagong dating na Binibining si Agnaya at sumabay sila kay Hignawan sa pagcurtsy dito.

"Swasti, Binibini," anila na yumukod at nagbend saglit ng tuhod habang magkasalikop ang mga kamay.

Tuloy-tuloy lamang si Agnaya sa pagpasok at umupo sa cushion sa sahig sa bandang kaliwa ng short-legged table. Ang kasunod naman nito na tagapagsilbing si Udang ay tumayo mga dalawang hakbang ang layo mula sa likod nito, katabi ang dalawa pang kasamahang alipin. "Ako ay naiinip sa aming Dalam. Maari ba akong magpalipas ng sandali rito?"

"Naiinip ka nga bang talaga o ibig mo lamang masilayan ang iyong nililiyag na si Balasik?" Tugon ni Adhira sa nanunundyong tinig.

Biglang namula ang mga pisngi ni Agnaya. "Sabihin na nating isa na iyan sa dahilan ng aking pagparito."

"Kung ganoon ay ikinalulungkot kong ipabatid sa iyo na wala siya rito ngayon," ika ni Adhira. "Kasama siya ni Ama na nagtungo sa Panakawan upang makipagpalitan ng lako kanina."

Bumagsak ang mga balikat ni Agnaya pagkarinig nito. "Nakakapanghinayang naman kung ganoon. Parati na lamang kaming nagkakasalisihan."

Ang nakikinig na si Manawari ay hindi maiwasang mapakomento ng lihim. Grabe. Siya pa pumupunta dito sa bahay ng lalaki. Ang cheap.

"Kayong dalawa," baling ni Adhira kina Manawari at Liway. "Ikuha niyo kami ng makakain at inumin ngayon din."

Si Liway lang ang sumagot. "Masusunod, Binibini."

"Bakit hindi ka sumagot? Magalak ka't tila hindi napansin ng ating Binibini," sita ni Liway kay Manawari paglabas nila.

"Kasi naman eh!" Inis na wika ni Manawari. "Ang hirap sikmurain na inuutos-utusan lang ako ng demonyetang iyon!"

Biglang tinakpan ni Liway ang kanyang bibig at kinakabahang napalinga-linga. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang ating Binibini! Bagamat hindi ko batid ang ibig sabihin ng d-demon-yetang sinambit mo paukol sa kanya ay natitiyak kong ito'y isang upasalang salita. Itigil mo iyan kung ayaw mong maparusahang muli!"

"Upasalang salita?"

"Salita na may kalakip na paghamak o pagkutya sa kapwa na maaring ikagalit ng iyong pinapaukulan."

Ahhh... so iyan pala ang term nila sa lait. Humalukipkip lang siya. "Tsss...di parusahan niya."

"Naging kakatwa ka na talaga simula ng magbalik mula sa magdamag na pagkawala, Manawari," ika ni Liway. "Tayo na nga't magtungo sa silid-lutuan. Umagang-umaga ako'y iyong pinapakaba."

SA SILID TANGGAPAN:

Tulad ng nakagawian ay inaliw nina Adhira at Agnaya ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng Bugtungan.

"May ulo'y walang buhok, may tiyan walang pusod," bugtong ni Adhira kay Agnaya.

"May ulo'y walang buhok, may tiyan walang pusod?" Napaisip na mutawi ni Agnaya. "Kay hirap naman. Ako ay suko na," mayamaya ay turan niya.

"Ang dali lamang ng sagot," ani Adhira. "Palaka!"

"Oo nga ano," ika ni Agnaya. "Bakit ba hindi ko iyon naisip?"

Sapagkat mapurol ang iyong utak. Sa loob-loob ni Adhira.

"Oh siya. Akong muli," sabi ni Agnaya. "Yao't dito, roo'y mula, laging ang ginagawa'y magtago at mamulaga sa matatanda at bata."

Ang Tampalasang AlipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon