Pabatid:
Oya! Bago po ang lahat, gusto ko lang ipaalam na may binago ako. About sa Maginoo status ni Gat Bantula. Instead na Maygintawo siya (nouveau riche) ay pinalitan ko ng Panginoon (noble) dahil he is fit with the description of being a Panginoon considering na mula siya sa pamilya with generational wealth and valuable properties. Ang Mayginatawo kasi pala ay mga tao na kamakailan lamang naging mayaman.
Iyon lamang po. Salamat sa pag-unawa.
**************************
Dahil wala namang ibang mapuntahan si Manawari ay nagpasya na lamang siyang umuwi sa bahay ng mga magulang. Iyon nga lang, wala siyang nadatnang tao pagdating niya. Pumunta na lang siya kina Parag-is. Naabutan niya roon ang hipag na si Maya na nagbibilad ng palay sa loob ng kanilang bakuran katulong ang bunsong kapatid na si Bituin.
"Kaya naman pala walang tao sa bahay, Bituin," sabi ni Manawari habang papasok ng bakuran nila Maya. "Narito ka lamang pala't nangangapitbahay kina Kaka."
"Kaka!" Gulat na bulalas ni Bituin nang malingunan siya.
"Manawari, ano't naparito ka?" Tanong naman ni Maya. "Batid ba ni Binibining Adhira na ikaw ay umuwi ngayon?"
"Hindi. Ngunit ang sabi niya'y maglaho raw ako sa kanyang paningin. Eh madali naman akong kausap kaya ayon! Umalis ako agad at naisipang umuwi," sagot ni Manawari na umupo sa baitang ng kawayang hagdan.
"Ano naman ang sanhi ng labis na galit sa iyo ng Binibini, Kaka?" Usisa ni Bituin.
"Tila nanibugho," sagot ni Manawari.
"May dahilan ba upang makaramdam ng ganoon sa iyo ang Binibini?" Tanong ni Maya. Nakikipaglapit ka ba kay Gat Palaba?"
"Hindi ah. Madalang nga lang kami magkausap niyon kahit nasa ilalim ng iisang bubong lamang kami nakatira eh," sagot ni Manawari.
"Kung ganyan ay pakaiwasan mo na lamang ang Ginoo," ika ni Maya. "Nakakatakot manibugho si Binibining Adhira, Manawari. Nasaksihan ko iyan nang ako ay Aliping Sagigilid pa lamang sa kanilang Dalam."
"Kahit ano namang pag-iwas ni Kaka kung si Gat Palaba naman ang lapit ng lapit ay wala rin naman siyang magagawa," sabat ni Bituin.
"Hindi naman nakikipaglapit sa iyo ang Ginoo, hindi ba Manawari?" Tanong ni Maya.
"Hindi naman," tugon ni Manawari.
"Ikaw? Wala ka bang pagtingin sa kanya?" Tanong pa ni Maya.
"Wala ano!" sagot niya. "Hindi ako papatol sa lalaking dala-dalawa ang kabiyak. Duh!" I don't like to share.
"Karaniwan lamang ang ganyan sa mga uring Maginoo, Kaka," ika ni Bituin. "Kaunti pa nga iyang dalawa eh. Malimit ay higit pa."
"Kaya nga malayong maibigan ko ang Ginoo," aniya.
"Mahirap nga naman ang marami kang kaagaw sa iyong kabiyak," sabi ni Maya. "Mainam pang makipag-isang dibdib tayo sa ating kapwa mga alipin. Iisa lamang ang nagiging Asawa ng mga lalaki sa ating uri."
"Mahirap nga lang ang buhay-alipin. Hays..." buntong-hininga niya. "Mabuti na lamang ay wala akong balak na magkaroon ng kabiyak sa buhay na ito ngayon. Sa susunod kong buhay na lamang. Kapag hindi na pinapayagan ang mga lalaki mula sa mataas na uri na magkaroon ng mga Inasawa't Pangapol."
"Nasa sa iyo naman iyan," sabi ni Maya. "Ngunit tiyakin mo lamang na maiwala mo ang iyong kabidsinan (virginity) kahit ayaw mong magkaroon ng kabiyak."
BINABASA MO ANG
Ang Tampalasang Alipin
Historical FictionIto ay kwento ng isang 21st century rich girl at sobrang malditang si Courtney Gale Lorenzana na nagising sa katawan ng isang Aliping Sagigilid sa Pre-colonial era pagkatapos itulak sa hagdan ng kanyang inaping kaklase. Ano kaya ang mangyayari ngayo...