Maikapat Walong Kabanata

133 13 9
                                    

"Oya, Manawari!" Nakangiting kalabit ni Liway sa kanya nang lapitan siya nito habang tinatanaw ng lahat ang papalayong balangay nina Lakan Tagkan. Naispatan pala siya nito sa likod ng kulupon ng mga tao.

"Ikaw pala, Liway. Oya!" aniya rito. "Ilang wasara din tayong hindi nagkita ah."

"Oo nga eh," anang dalaga na pansin ang pagiging blooming sa mukha. "Maano ang iyong buhay bilang Asawa ni Udyat?"

"Ito. Maayos naman. Nasaan nga pala si Hignawan?" Linga-linga pa niyang usisa. Hinahanap ang past version ng Yaya Anita niya. "Bakit hindi ko nakikita kahit anino niya rito ngayon?"

"Nanghingi siya ng pahintulot sa ating Binibini kahapon upang lumiban ng tatlong tithi sapagkat nagkasakit daw ang kanyang anak," tugon ni Liway.

"Ahhh..." Tango-tango niya.

"Siya nga pala, hindi ka ba nahihirapang makisalamuha ngayon sa ating mga kababayan?" tanong ni Liway na hinila siya palayo sa kumpulan ng mga tao.

"Bakit mo naitanong?" ika ni Manawari nang huminto na sila mga ilang dipa ang layo sa likod ng mga nagkukumpulang mga tao.

"Sapagkat laman ka ng bulungan ng mga taga rito," ani Liway. "Iniisip nila na maaring nahawa kana raw ni Udyat sa tila sumpang mayroon ito. Nag-aalala ako na maging ikaw ay pangilagan din ng lahat."

"Pangilagan-pangilagan. Pagtatadyakan ko pa sila eh," humalukipkip bigla na turan ni Manawari.

"Sa pananalita mo'y tila hindi mo naman ito alintana."

"Talaga! Hindi ako magpapaapi ng ganoon lang ano. Maiba ako," kinalabit niya bigla sa tagiliran si Liway na may mapanuksong mga tingin. Ibang-iba ang ganda mo ngayon ah. Tila bulaklak na kakamukadkad. Ganyan ba kapag nadidiligan?" Napakindat pang wika niya.

Biglang nangulay kamatis ang mga pisnging hinampas siya ni Liway. "Manawari!"

"Ayieeeeh..." panunukso pa niya rito.

Saglit pa silang nagchikahan pagkatapos bago siya nagpaalam.

"Ayaw mo bang kumain muna?" tanong ni Liway.

Kasalukyan na kasing pinagsasaluhan ng lahat ang masaganang piging sa katatapos lamang na maganito sa pampang.

"Hindi na," sagot ni Manawari. "Mauuna na ako. Baka makita pa ako ni Demonyetang Adhira at utusan."

"Siya," ani Liway. "Mag-ingat ka pauwi.

Naglalakad na siya sa kabayanan nang mahagip ng kanyang tingin sa dulo ng isang daan si Hignawan. May inaabot ito mula sa isang matandang lalaki.

"Si Hignawan iyon ah. Sino yung kausap niya? At bakit parang kahina-hinala ang mga kilos nila? Hayst. Pakialam ko ba," mutawi niya at dumiretso na.

Pag-uwi niya sa bahay nila ni Udyat ay nadatnan niyang may patak-patak ng dugo sa bakuran.

"Anong nangyari dito?" Bigla ang pagdunggol ng kaba sa kanyang dibdib. "Udyat?!" Tawag niya rito at kumaripas ng takbo paakyat ng bahay. "Udyat!"

"Narito ako!" Sigaw pa ni Udyat habang  ginagamot ang duguang daliri. Nasa tabi nito ang nag-aalalang si Galak.

"Ano na naman bang nangyari sa iyo? Wari ko'y may tumaga na sa iyo pagkakita ko ng mga dugo sa bakuran!" nakahawak sa aandap-andap na dibdib niyang turan.

"Paumanhin kung ikaw ay aking tinakot," ani Udyat. "Nasugatan lamang itong daliri ko habang ako'y gumagawa ng bangkat (bamboo carrying basket).

Ang Tampalasang AlipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon