"UDYAT!" sigaw ni Manawari nang marinig ang tinig ng binata at tinakbo ang pintuan pababa ngunit pagdaan niya kay Sangbay ay hinili siya nito sa batok."Sabik na sabik kang makita ang iyong kabiyak ah. Siya. Ika'y aking pagbibigyan na muli siyang makita sa huling pagkakataon," nanggagalaiting turan ni Sangbay at kinaladkad siya pababa ng kubo kasunod si Gibaw. Naiwan sa loob ang iba pang mga babaing dinukot kasama ang isang Katulunan.
"Hayop ka! Bitawan mo ako!" Pumiglas pa ni Manawari na pinagsusuntok si Sangbay ngunit hindi man lang nito iniinda.
"Ako'y mamaya mo na alimurahin, aking Sinta," wika pa nito. "Kapag siya'y akin nang napaslang!"
"Hayop ka talaga! Hayop ka!"
Pagdating nila sa baba ay rinig na rinig na ni Manawari ang papalapit at paulit-ulit na sigaw ni Udyat. "IBALIK NIYO ANG AKING ASAWA! IBALIK NIYO SIYA!"
Kasabay nito ay naulinagan din niya ang sumasabay na kahol ng isang aso. Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin si Udyat sa likuran ng isang kubo sa di kalayuan. Ang isang kamay nito ay may tangang itak na tumutulo pa ang dugo. He's walking directly towards them with a deadly glare. And walking along with him is Galak who furiously barking at Sangbay's direction. May mga bahid ng dugo sa nakalabas nitong mga pangil at maging sa kulay kayumanggi nitong mga bahibo.
Manawari's heart tightens at the sight of them. Lalo na kay Udyat. Paano ba naman, napakaraming sugat ng binata sa katawan. He's almost covered with blood. Maliban riyan ay labis rin siyang nagimbal. Napakalayo kasi ng Udyat na naglalakad palapit sa kinaroroonan niya ngayon sa Udyat na kilala niya. There's no trace of fidgety, clumsiness, and timidness on him anymore. Only a shadow of brutal rage.
"Udyat umalis ka na! Kayo ni Galak! Ayaw kong mapahamak kayo ng dahil sa akin!" Sigaw niya sa dalawa.
Sandaling lumamlam ang mga mata ni Udyat nang masilayan siya. "Paumanhin, Manawari. Ngunit kami'y hindi aalis rito nang hindi ka kasama," determinado pa nitong tugon.
"Awr!" sang-ayong kahol din ni Galak.
"Kung ganoon ay Manawari pala ang iyong ngalan," ani Sangbay kay Manawari. "Ngayon ay batid ko na."
"Oh tapos?" Mataray na wika ni Manawari.
Hindi na sumagot pa si Sangbay sapagkat binalingan na nito si Udyat na huminto na mga ilang dipa ang layo sa kanila.
"Kay tapang mo lalaki," ika ni Sangbay kay Udyat. "Ngunit isa kang malaking banday (fool) upang sumugod dito sa aking kuta ng mag-isa!"
"Isa man akong malaking banday sa iyong paningin ngunit tinitiyak ko sa iyo na hindi sa akin, kung hindi sa iyo ang dugong dadanak dito sa iyong kuta ngayon!" Tugon naman ni Udyat.
Nagngalit na napahigpit ng hawak si Sangbay sa batok ni Manawari dahilan upang mapadaing sa sakit ang dalaga.
"HUWAG MO SIYANG SASAKTAN!" Dumagundong na sigaw ni Udyat nang makitang nasaktan ang dalaga.
"Paumanhin, aking sinta," baling ni Sangbay kay Manawari. "Hindi ko sinasadya."
"Tigilan mo nga ang kakatawag sa akin ng sinta! Ako'y nandidimarim!" Singhal naman ni Manawari sa kanya.
"Bakit mo tinatawag na sinta ang aking Asawa?!" Galit na galit na wika ni Udyat. "Wala kang karapatan!"
"Magiging Asawa ko na siya mula ngayon kaya't nasa akin na ang karapatan! Hindi ba, aking Sinta?" ani Sangbay at hinaplos sa pisngi si Manawari.
BINABASA MO ANG
Ang Tampalasang Alipin
Historical FictionIto ay kwento ng isang 21st century rich girl at sobrang malditang si Courtney Gale Lorenzana na nagising sa katawan ng isang Aliping Sagigilid sa Pre-colonial era pagkatapos itulak sa hagdan ng kanyang inaping kaklase. Ano kaya ang mangyayari ngayo...