Unang Kabanata

580 16 14
                                    

September 15, 2023

Alas singko na ng umaga at tumatagos na sa sheer white curtains ang liwanag mula sa labas ng bintana ng silid ni Courtney Gale Lorenzana. Anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Pilipinas.

Tila mala-anghel sa amo ang kanyang mukha habang natutulog suot ang puting victorian style nightgown. Ngunit kung gaano kaamong tingnan ang labing walong taong gulang na dalagang ito kapag tulog ay siya namang sama ng kanyang ugali kapag gising.

Kilalang-kilala siya dahil sa kanyang kamalditahan. Siya ay arogante, immature, maarte, matapobre, masakit magsalita, narcissist, a certified spoiled brat at may bad temper.

Isa sa araw-araw na nakakaranas ng ugali niyang ito ay ang kanyang Yaya Anita na kasalukuyang papasok sa kanyang silid upang siya ay gisingin. Dahan-dahan nitong binuksan ang pinto at lumapit sa kinahihigaan niyang princess design bed in champagne color.

"Miss Courtney, oras na para bumangon," anang may katandaan na niyang Yaya at nananantiya siyang ginalaw sa balikat. Hindi siya tuminag kaya inulit pa nito ang ginawa. This time medyo may kalakasan na nang bahagya. "Gumising na raw po kayo."

She just groaned and turned to the other side of the bed.

"Kailangan niyo na raw po bumangon sabi ng Mommy niyo," pangungulit pa nito. "Aalis raw kayo papunta sa mansiyon ng Lolo't Lola niyo ngayon."

"The hell I care..." mahinang usal niya.

"Pero---"

"Get out," mahinahon pa niyang mutawi habang nakapikit bagamat nagsisimula na siyang mainis. It's one thing that she really hates. Ang gisingin siya sa umaga.

"Pinapagising na po kasi talaga kayo ng Mom---"

Bigla siyang napabalikwas ng bangon at binalingan ito ng matalim na tingin.

"I said, GET OUT!"

Animo sinilihan ang puwet na lumabas ng kanyang silid ang pobreng matanda. Siya naman ay ibinagsak ang katawan sa kama at muling pumikit. Malapit na siyang makaidlip muli nang pumasok ang Mommy niyang galit.

"Courtney, gumising ka na riyan! Bakit sinigawan mo na naman daw ang Yaya Anita mo? How many times do I have to tell you to treat her good? Huh?" maagang bunganga nito sa kanya. "Siya ang nag-alaga sayo simula nung maliit ka pa!"

"What's the nag, Mom? It's early in the morning," groggy pa niyang tugon sa Mommy niya na hindi man lang nagmulat ng mga mata.

"I won't be nagging you if you're not being so maldita all the time! Bumangon ka na nga riyan at mag-aalmusal na tayo," anito na biglang inalis ang comforter niya.

Napilitan tuloy siyang dumilat. "But I'm still so sleepy!"

"It's your grandma's birthday today. We need to go there for the family banquet," paliwanag nito.

"I don't feel like going," maktol niya. "I'm still too tired from yesterday's commercial shoot."

"Hindi pwede. Ikaw ang paboritong apo ng Lolo't Lola mo. Magtatampo sila sayo kapag hindi ka dumating. Bumangon ka na riyan and no more excuses. If you won't come down in 20 minutes, you'll be grounded for a week. You hear me?" Banta pa ng Mommy niya tsaka lumabas na ng kanyang silid. Inis niyang naipadyak sa kama ang mga paa.

"Urghhhh," gigil niyang mutawi. "I want to leave this house and live on my own!"

Nagdadabog siyang bumangon at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis na siya at bumaba suot ang pair of Versace printed silk crop top and skirt. She partnered it with a Dior kitten heels and a mini hermes bag. Ang mahaba at tuwid naman niyang buhok ay pinusod niya paitaas.

Ang Tampalasang AlipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon