Kakatapos lang ng exams namin at halos lahat kami ay parang walang lakas na gumalaw. Ilang gabi akong puyat dahil sa pag-re-review. Mabuti nalang nanjan si Isaac para maging motivation kong mag-aral ng mabuti. Hihi.
Habang nag-aayos ng gamit ay nakita ko si Arya na may binabasang papel. Dahan-dahan akong lumapit nang hindi niya napapansin. Sumilip ako at sinubukang basahin kung ano ang nakasulat sa papel pero tanging heart lang ang nakita ko. Napansin ako ni Arya kaya agad niyang tinago yung papel.
"Ano yan? Love letter yan noh!" ani ko habang tinuturo yung tinago niyang papel.
"What are you talking about? It's just a scratch note." aniya pero hindi ako naniwala. Lumapit ako sa kaniya at inakbayan siya.
"Alam mo, okay lang naman ang tumanggap ng love letter. Maganda ka naman, matalino, tapos maba- ahm... ayun maganda, matalino. Ayus lang yun sis!" napa-aray ako nang hinawakan niya ang pisnge ko at pinisil-pisil ito.
"You can't even say that I'm kind, huh?"
"Mabait ka ba?" pabalik na tanong ko sa kaniya. Umamba siya sasabunutan ako pero agad akong umilag at kinuha ang papel na hawak niya kanina.
"Hey! Rae, give it back!" hinabol niya ako at tumakbo kami sa buong class room. Hindi namin pinapansin ang pagtingin ng ibang kaklase namin.
"Pabasa na kasi! Saglit lang!"
"I said no!"
Tumakbo ako palabas ng room pero may nakabunggo ako kaya pareho kaming natumba. Naramdaman ko ang kirot sa paa ko kaya hindi ako nakatayo agad.
"Uy, sorry ate." sabi ng lalaking nabangga ko.
"Naku! Ayus lang, ako naman ang nakabangga sayo. Pasenya na." ani ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko upang alalayan akong tumayo.
"Hala! okay lang ako. Kaya ko namang tumayo."
"Sigurado ka po ba?" tanong niya sa akin.
"Oo kaya ko na-" natigilan ako nang biglang mahagip ng mata ko si Isaac na papunta sa direksyon namin. Nag-panic ako at hindi alam ang gagawin.
Alam ko na!
"Aray! M-masakit!" pag-da-drama ko habang naka-hawak sa paa ko. Nakaupo pa rin ako sa gitna ng hallway. Nakita ko ang taranta sa lalaking nakabangga ko at agad akong inalalayan.
"Dadalhin na po kita sa clinic." aniya.
"Hindi! Ayoko!" pumikit ako habang nakahawak sa paa ko para mas kapani-paniwala.
Nakita kong nakatingin sa amin si Isaac habang nakakunot ang noo. Kasama niya ang iba niyang kaklase at palapit na sila sa amin kaya mas ginalingan ko pa ang pag-arte.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomanceRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...