Chapter 40

1.5K 62 16
                                    

Agad kaming dumiretso sa hospital kung nasaan dinala si lola. Tapos na ang operation niya at stable na ang kalagayan niya ngayon. Naka-admit siya sa isang private room at may nagbabantay doon kaya kami lamang ang nakakabisita sa kaniya. Nang malaman naming okay na siya ay pumunta muna kami sa mansion upang magpahinga.



Kinabukasan ay nanatili muna ako dito habang sila mama ay bumalik sa hospital. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Isaac. Hindi naman nagtanong si papa kung bakit hindi ko kasama siya kasama. Ang huling kita ko sa kaniya ay dun sa parking lot sa Socialwise kung saan may kausap siyang isang misteryong babae.



Napalingon ako sa aking kama kung nasaan naka lapag ang laptop ko dahil bigla itong tumunog hudyat na may tumatawag. Tinignan ko ito at nakitang si Mitch ang tumatawag. Agad ko namang sinagot at umupo sa aking kama. 



Lumabas ang mukha niya sa screen. Napakunot ang noo ko nang makita ang problemado niyang mukha.



"M-Miss Rae.."



"Bakit Mitch? What happened to you?"



"Miss Rae, we have a problem here at the hotel." kinakabahang saad niya. Mas lalong nagsalubong ang kilay ko at napa-ayos ng upo sa kama.



"Anong problema?"



"Our VIP guest was rushed into the hospital because of an allergy attack. She is allergic to cat fur and they said that they saw a cat roaming around the pool area." paliwanag niya. Bumilog ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.



"Ano?! Who's the owner of the cat? Pets are not allowed in the pool area!" napalakas ang boses ko sa sobrang panic. 



"We still didn't know who's the owner Ma'am but the security are already searching for it."



"Eh yung VIP guest? How is she?"



"Okay na po siya ngayon Ma'am but we still haven't talk to her parents yet. Nagagalit po kasi yung magulang niya kanina."



"Alright, I will schedule my flight to go back there as soon as possible. Send me the number of her parent."



"Okay Ma-" Natigil siya sa pgsasalita nang mapatingin siya sa kaniyang harapan. Nagtaka ako dahil bigla na siyang naka-mute habang kinakausap ang kung sinuman ang nasa harapan niya. Nakita kong kumunot ang noo niya. May tinignan siya sa kaniyang monitor at mas lalong lumaki ang mga mata niya. Bumalik ang tingin niya sa akin bago muling inalis ang pagkaka-mute niya.

Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)Where stories live. Discover now