Chapter 32

1.3K 49 30
                                    

Agad kong inilihis ang tingin ko sa kanila. Parang may bumabara sa lalamunan ko at hindi ako naging kumportable sa upuan ko. Napatingin sa akin si Arya at Enzo.



"Are you okay?" tanong ni Arya. Tumango lang ako dahil hindi ako makapag-salita.



Bakit sila magkasama?



Mas lalo akong nasaktan sa mga naiisip ko. Minabuti ko nalang hindi na muli silang tinignan dahil mas nadadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ko.



"Sigurado kang ikaw ang mag-babayad ah. Wala pa akong pera, sis. Hindi pa ako nakakapag-withdraw." Ani ko.



"I know. That's why it's my treat."



May lumapit sa amig waitress at kinuha ang mga order namin. Hindi ganun ka dami ang inorder namin. Mas mabuti na rin yun dahil hindi ko na kaya pang manatili dito.



Apektado pa rin ako sa nangyari. Parang wala pang isang linggo na nangyari yun para sa akin. Fresh pa rin ang sakit na yun. Hindi naman kasi ganun kadali na kalimutan siya. Totoo ang nararamdaman ko sa kaniya. Totoong minahal ko siya. 



Hanggang ngayon naman eh. Kahit sobrang sakit ng mga sinabi niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit nanatili pa rin ang pagmamahal ko para sa kaniya. Yes, I'm mad at him, but my love is still there.



"Rae. . . Rae. . Uy!" napakurap ako nang dalawang beses at wala sa sariling bumaling kay Arya na ngayon ay nakakunot na ang noo.



"What is happening to you? Kanina pa ako nagtatatalak dito tapos para lang akong nakikipag-usap sa isang mannequin."



"Shh! Sandali!" ani ko at mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Lumapit siya sa akin t hinintay ang sasabihin ko. "Wag kang magulo, nag-co-concentrate ako."



"For what?"



"Nauutot ako."



Mabilis siyang lumayo sa akin at tinakpan ang ilong niya. Mukhang narinig din yun ni Enzo dahil mabilis niya din na tinakpan ang kaniyang ilong.



"What the hell, Rae. Dito pa talaga." 



"Joke lang! OA niyo. Parang hindi naman kayo umuutot."


Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)Where stories live. Discover now