Chapter 27

1.3K 39 21
                                    

"Naka-handa na ba ang mga gamit niyo?" tanong ni Tita sa amin.



Pupunta kami ngayong Tondol Beach. Mabuti nalang at madami ang dalang bikini dahil siguradong puro mga beach ang pupuntahan namin dito. Iniisip ko si Isaac dahil baka umitim siya pero naalala kong meztiso pala itong my loves ko.



Kasalukuyan kaming naglalagay ng mga gamit na dadalhin sa sasakyan ni Isaac. Apat lang kaming pupunta sa Tondol kaya kasya naman kami sa sasakyan. Nakasuot ako ng oversize na dress shirt at shorts, suot ko na din ang ipapanligo ko sa loob ng damit ko para madali nalang mamaya.



Naka-upo ako sa shotgun seat habang nasa likod naman namin si Tita at Tito tapos si Isaac ang mag-da-drive. Sumakay na siya sa driver's seat. Nakasuot siya ng simpleng button down shirt na naka naka tanggal ang dalawang botones  sa bandang itaas kaya lantad ang dibdib niya at board shorts.



Mabilis lang din kaming nakarating sa beach dahil malapit lang iyon kila Tita. Yun ang pinaka-malapit na beach sa kanila at doon dun dumadayo ang mga turista na pumupunta dito. Maganda ang beach na ito dahil white sand ito at kahit nakalangoy ka na sa malayo ay mababaw pa rin ang dagat.



Nakapag-reserve na sila kagabi kaya hindi na kami nahirapang makahanap ng cottage. Si Isaac ang nagbayad ng lahat kahit ayaw nila Tita dahil bisita nga daw kami.



"Ice, pakuha naman nung bag ko sa harap, naiwan ko kasi doon." ani ko kay Isaac na naglalabas ng mga gamit. Tumango siya sa akin at pumunta sa harap ng sasakyan kung saan ako umupo kanina.


"Someone's calling you, babe." aniya nang bumalik palapit sa akin at nakahawak sa phone ko. Tinignan ko kung sino ito pero unknown caller siya. Lumayo ako ng konti para sagutin ang tawag at nakakunot naman ang noo ni Isaac habang nakatanaw sa akin.



"Hello? Sino ito?"



"Alejandría.." mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang pagtawag nito sa akin.



"Sino ito?"



"Tienes que volver, Alexandria." You have to come back, Alexandria.



"Who's this? I'm sorry but I think you called the wrong person." 



"España. Tienes que volver a España." Spain. You have to go back to Spain.



Spain? Bakit? Matagal na simula nang pumunta ako sa Spain. Noong buhay pa si mama. Doon lumaki si mama at nandoon din ang lolo at lola ko.


Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)Where stories live. Discover now