Chapter 28

1.2K 47 30
                                    

"Rae, what are you going to do on your birthday?" tanong ni Reeve sa akin.



Kasama ko ngayon si Reeve at Arya sa mall dahil bibili kami ng mga pagkain para sa sleep over namin mamaya sa bahay nila Reeve. Naisip naming magsleep-over dahil hindi pa namin yun nagagawa simula nang maging magkaibigan kaming tatlo. 



"Ewan ko. Hindi naman akong nag-ce-celebrate ng birthday ko eh." ani ko at nagkibit-balikat.



"What? Why?" tanong ni Reeve.



"Basta. Hindi na masaya. Tara dun!" hinila ko na silang dalawa sa isang botique.



"Oh! I like this one! Let's buy this!" Napatingin kaming dalawa ni Arya kay Reeve na may hawak na terno na pantulog. Wala na kaming nagawa dahil agad nang pumunta si Reeve sa cashier at binayaran ang biniling damit. Magkaka-iba lang kami ng kulay. Pink and kay Reeve, yellow kay Arya, at light blue naman sa akin.



**********

"Mauubos ba natin ito lahat?" 



Kakatapos lang namin bumili sa mall. Nasa loob na kami ng sasakyan ni Arya at tinignan ang mga binili namin. Isang box ng pagkain at bumili na rin kami ng drinks.



"Of course! We have Rae, so we could really finish that." aniya at mabilis akong napalingon sa kaniya.



"Ay grabe sis. Ako talaga dinahilan mo?"



"Wag ka nang umangal. Alam naming matakaw ka talaga." sumbat naman ni Arya.



Nagsimula nang mag-drive si Arya papunta sa bahay nila Reeve. Tinext ko na si Isaac na dun kami sa bahay nila matutulog ngayong gabi pero hindi pa naman siya nagrereply so hindi ko alam kung nabasa na ba niya.



Wala pang isang oras ay nakarating na kami agad sa bahay nila. Sinalubong kami ng mga kasambahay nila at pari na rin si Manang Ida na matagal na daw nagtatrabaho sa pamilya nila.



"Magandang hapon po." pagbati namin ni Arya sa kanila. Tumango naman ang iba.



"Ay napaka-ganda naman ng mga kaibigan mo, iha." saad ni Manang Ida kay Reeve nang makalapit siya sa akin.



"Ay. I know right, Manang. Kalma, ako lang 'to." ani ko and then I flipped my hair. Tumawa si Manang Ida at Reeve habang si Arya ay tumingin sa akin na parang nandidiri pero inirapan ko lang siya.



"Oh siya, maiwan ko muna kayo at may kailangan pa akong bilhin." Ani Manang at tumango kaming tatlo.



"It's alright, Manang. Ako na pong bahala sa kanila. We'll just go to my room." ani Reeve at sumunod na kami sa kaniya paakyat ng hadgan habang inililibot ko ang paningin sa bahay nila.



"Yayamanin talaga.." bulong ko kay Arya.



"Tss. Parang hindi nakatira sa mansion." sarkastikong saad niya at ngumuso ako.



"Hindi na nga ako nakatira doon eh." ani ko at umirap sa kawalan.



Pag-akyat namin sa second floor ay nakakita kami ng maraming pintuan. Nandoon ang kwarto ng magulang niya, dalawang guest room, kwarto niya, at ang katabi nito ay kwarto ni Isaac. 



Matagal akong napatingin sa pintuan ng kwarto ni Isaac bago muling bumaling kay Reeve. Hindi naman sinabi ni Isaac sa akin na pupunta siya dito ngayon dahil hindi pa nga siya nag-re-reply sa akin. Busy ata ang boyfriend ko.



Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)Where stories live. Discover now