Chapter 4

1.3K 43 28
                                    

Nang makarating kami sa tapat ng apartment ko ay agad kong inalis ang mga braso kong nakayakap sa kaniya. Pagbaba ko ay inalis ko ang helmet at ibinigay sa kaniya na kaniya namang kinuha. Pinunas ko pa ang palad ko sa pantalon ko nang maramdamang namamasa iyon.

"Salamat. Hindi mo naman ako kailangang ihatid, pero salamat." Ani ko habang hindi makatingin sa kaniya. Nakakailang kasi yung tingin niya!

Wag mo akong tignan ng ganyan, Isaac! Hulog na nga ako sayo eh, lulunurin mo pa ako sa mga titig mo!

"It's too dangerous to commute by this hour." aniya

"Dati naman na akong umuuwi ng ganitong oras. Mas late pa nga minsan eh." sabi ko at natawa pa ng konti pero tumigil din nang makitang seryoso pa rin ang mukha niya. Tumikhim ako sa umiwas ng tingin.

"Well, then you don't have to go home by this hour or more late, from now on." aniya kaya agad akong napatingin sa kaniya.

"Ha? Bakit naman?" tanong ko sa kaniya ngunit sinuot na niya ang helmet niya at pinaandar ang motorsiklo. Bumaling muna siya sa akin 'tsaka mabilis na pinatakbo ang kaniyang motorsiklo.

Anong ibig niyang sabihin dun?

***********

First day ngayon ng klase at late pa ako! Jusko naman! Bakit ba kasi tinapos ko pa yung Squid Game kagabi! Iyak pa ako iyak kaya parang namamaga ang mga mata ko. Pero hindi naman halata kaya gora nalang.

Agad akong sumakay ng jeep at buti nalang ay mabilis lang ang byahe dahil hindi naman masyadong malayo yung university sa apartment ko.

Nang makapasok ako ay agad kong hinanap yung room ko. Buti nalang mabilis ko lang din iyong nahanap. Inilibot ko ang tingin sa buong room at hinanap si Arya. Sabi kasi niya kanina ay nandoon na daw siya.

Nahagip ng mata ko si Arya na kausap ang isang babae. Agad akong lumapit sa kaniya at tumabi sa may bakanteng upuan na katabi lang din nila. Nasa bandang likod kami.

"ARYA!" sigaw ko nang makalapit ako sa kaniya.

"Rae, can you please lower your voice? You're not the only person here." pagsuway ni Arya sa akin at napabuntong hininga.

"Ay sorry hehe. Ang agad mo ngayon ah!" ani ko at napatingin sa babaeng kausap niya kanina. Lumaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.

"Oh My Goodness! Ikaw si miss beautiful na inglishera na nakilala ko nung enrollment diba?!" sabi ko at tinuro siya.

"I... think so?" aniya na parang hindi sigurado.

"Oo, ikaw yun! Ano na nga ulit yung pangalan mo? Rhain? Risse?" tanong ko sa kaniya. Hindi ko kasi talaga maalala yung pangalan niya, sa mukha ko lang naalala kasi maganda talaga siya.

"Reeve." aniya.

"Ayun! Reeve! Grabe! Kaklase ka pala namin! Ayus yan!" malakas na pagkakasabi ko at nakitang natawa siya dahil doon. Napakahinhin niya pati kapag tumawa.

Sana all. Ako kasi parang mangkukulam kung tumawa.

"Rae, can you please stop talking for a while? Para ka namang mamamatay kapag hindi ka nagsalita nang nagsalita." pagsuway nanaman sa akin ni Arya. Parang nanay ko talaga ito eh.

Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)Where stories live. Discover now