Chapter 21

1.4K 51 21
                                    

Ilang segundo akong nakatulala habang pinoproseso ang sinabi ni Isaac. Mahal niya ako. Isaac Lyndon Garcia is inlove with me! Joke time ba ito?


"H-haha. Ikaw ah, binibiro mo nanaman ako." awkward na saad ko. Kumunot ang noo niya at umirap.


"Do you think I would tell that kind of joke?"


"U-Uh.." 


Huminga siya ng malalim at muling ipinikit ang mga mata.


"Let's talk about it tomorrow, Rae."


Agad akong lumayo sa kaniya at nagsalubong ang kilay.


"Sa tingin mo ba makakatulog pa ako sa sinabi mo?" I scoffed. 


"Fine. Then let's talk about it." aniya. Umupo siya sa kama at sumandal sa headboard. Ginaya ko naman siya at umupo paharap sa kaniya. Binuksan ko ang lampshade sa tabi ng kama para makita siya.


Tinignan ko lang siya at hinintay ang sasabihin niya.


"I-I don't know where to start. Just ask." aniya at nakita ko pang namumula ang tenga niya. Natawa ako ng mahina pero hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya.


"So. . Sigurado ka bang mahal mo ako? Ayokong umasa Isaac. Oo, gusto kita pero alam kong hanggang doon lang ako." kumunot ang noo niya at bumaling sa akin.


"What do you mean?"


"Kasi. . . sa tingin ko. . . sobrang taas mo, para sa akin. Parang ang hirap mong abutin. Oo, nakaka-usap kita. Nakakasama kita. . . pati dito sa condo mo. . at naging masaya ako dun, Isaac. I just never expect that you will fall for me. . . That you will love me too."


Umangat ang kamay niya at hinawakan ang pisnge ko. He was caressing my cheeks while staring at me intently.


"I love you, Rae. I really do." marahang pagkakasabi niya. Nakaramdam ako ng saya sa kalooban ko.


"Sana nga totoo yan. Kasi. . Sino ba naman ako para mahalin ng isang Isaac Lyndon na anak ng isang sikat na business tycoon sa buong pilipinas. Sina ba naman ako diba? Eh isa lang naman akong simpleng tao na namumuhay ng mag-isa dahil piniling umalis at iwanan ang kaniyang marangyang buhay." 


Umiling siya sa akin at ipinagdikit ang aming noo.


"Don't say that. I love you for who you are. I don't care about your flaws. . .  I saw it all and I love you more. I will support you whatever your decision in life will be. Trust me, babe. I'm always here for you."


Parang natunaw ang puso ko sa mga sinabi niya. Naluluha akong niyakap siya ng mahigpit. Agad naman siyang tumugon sa yakap ko at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.


"Thank you, Isaac. Having at least one person who truly believes and appreciates me is a blessing."

Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)Where stories live. Discover now