Maaga ulit akong pumasok dahil maghahanda pa kami para sa booth namin mamaya. May sari-sarili kaming T-shirt na kami din ang nagdesign. Dumiretso ako sa kabilang building kung saan nandoon lahat ng materials namin. Pagkarating ko ay nandoon na din ang iba. Maaga kasi ang usapan namin para hindi na kami mag-rush mamaya.
Nandito na si Arya pero busy siya sa pagaayos ng mga damit kaya hindi ko muna siya nilapitan. Napansin kong wala sa din si Reeve kaya inabala ko muna ang sarili ko sa ibang gawain.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig-g sabihin ni Isaac noong isang gabi. Sinunod ko naman ang sinabi niya, ngunit wala namang kumatok sa pinto ko. Wala din akong naramdamang kakaiba kaya diretso ang tulog ko.
Maya-maya ay nakita ko na si Reeve na nagmamadaling pumasok, kasabay niya si Isaac na dumiretso kila Levi at nagbihis sila ng damit na kailangan nila suotin.
Nang makita ako ang kay Isaac ay muntik ko nang maibuga yung iniinom kong juice. Paano ba naman kase, may drawing na peppa pig doon sa bandang gilid tapos may heart-heart pa. Hindi naman siya masyadong napapansin pero kung pagmamasdan mo talaga ng mabuti yung damit niya ay mapapansin mo ito. Kaya pala masama ang tingin nito kay Levi dahil siya ang isa sa nagdesign ng mga damit nila.
"What the fuck is this Leviticus?" Mariin na pagkakasabi ni Isaac at parang gusto na niyang sakalin si Levi.
"Hindi ka ba nanonood ng Peppa Pig, bro? Cute kaya yan." aniya habang pinipigilan ang tawa.
"Give me another shirt." ani Isaac na nagpipigil ng galit.
"Bro, wag na. Bagay naman sayo eh."
"You will give me another shirt or I'll rip your head off like how I rip this fucking shirt," he growled.
"Oh easy. Kaibigan. Kaibigan ako, bro. Kalma." ani Levi habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
Kumuha siya ng ibang t-shirt at agad na ibinigay iyon kay Isaac. Lumabas naman siya at bumalik nang nakapagpalit na ng damit.
Nang magsimula ay booth ay naging busy na ang lahat. May sari-sarili kaming gawain kaya lahat kami ay may ginagawa. Nagtutupi ako ng damit ngayon at inilalagay ito sa plastic. Paminsan-minsan ay tumitingin ako kila Isaac. Madami namang nakapilang mga babae. Hindi ko alam kung gusto ba talaga nilang bilhin yung damit o gusto lang nilang malapitan at makapag-picture sa kanila.
Wala sa usapan ang picture-picture! Signature lang mga teh!
Napapansin ko ang pagkadisgusto sa mukha ni Isaac. Ito naman mga haliparot na ito, kung makahawak akala mo rebulto ng santo. Kulang nalang ay kumuha sila ng pamunas at ipang-punas ito sa kanila.
Sa sobrang inis ko ay hindi ko na namamalayan ang ginagawa ko. Pinanggigigilan ko yung damit na hawak ko at kinukusot-kusot ito. Sa palagay ko ay halos mamuti na ang palad ko sa sobrang higpit ng hawak ko dito.
"What are you doing? Nagtutupi ka ba o naglalaba?" natigilan ako nang marinig kong nagsalita si Reeve. Napatingin ako sa damit at nakitang kusot-kusot na ito. Hilaw akong ngumiti kay Reeve at naramdamang umitin ang pisnge.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomanceRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...