Chapter 7

1.3K 44 31
                                    

Monday nanaman ngayon at lupaypay pa akong pumasok sa university. Kulang ang tulog ko dahil 1:30 na ng madaling araw ako nakatulog tapos bigla akong tinawagan ni Tita ng mga 4 am kaya sabog na sabog talaga ako ngayon. Sa sobrang kakamadali ko pa ay naiwan ko ang ibang notes ko sa apartment.

Hindi ko na namalayan na naglalakad na pala ako papunta sa building ng BSBA. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako papunta ngayon doon, magkaiba ng direksyon ang building namin at sa kanila. Natigilan lamang ako nang malapit na ako sa room nila. Dahan-dahan akong naglakad sa bintana ng room niya at paminsan-minsan ay lumilingon para hanapin siya.

Nang malapit ko ng malampasan ang room nila ay nahagip ng mata ko si Isaac na nakakunot ng noo habang nagbabasa. Napangiti ako dahil dun pagkatapos ay masiglang nilisan ang building nila.

Okay na ako! Nakita ko na siya!

Malawak ang ngiti ko habang papunta sa room namin. Nakita ko naman si Reeve na papasok sa room kaya binilisan ko ang paglalakad ko.

"Hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan ni Scott sa kaniya. Like, duh, ang pabebe niya kaya."

"I know right. Mas better pa rin talaga si Harley. Kailan kaya siya babalik?"

"I don't know yet. Pero for sure, gagawa siya ng paraan para bumalik sa kaniya si Scott."

"Mhm. Let's just wait for that moment."

Bigla akong huminto sa paglalakad ng marinig ang usapan ni Aretha at ng kaibigan niya habang nakatingin kay Reeve. Napa-irap ako at mas binilisan ang lakad. Nang nasa likod na nila ako ay pumagitna ako sa kanila at binangga sila ng malakas para mahawi silang dalawa. Taas noo ko lang silang nilagpasan habang sila naman ay laglag ang panga na nakatingin sa akin.

Lumapit ako kay Reeve at ipinilupot ang braso sa isa niyang braso at hinila na siya papasok sa loob. Nagtataka siyang nakatingin sa akin pero hindi na ako nagsalita.

************

"Mga sis! May chika ako!" ani ko nang sana cafeteria na kami.

"What is it?" tanong naman ni Arya.

"Magpapapatry daw si Liam sa sabado! At! Invited daw lahat!"

Nagtinginan sila ni Reeve at sabay na umiling. Habang ako naman ay malawak ang ngiti na hinihintay ang sasabihin nila. Excited ako kasi nga malaki ang chance na makikita ko doon si Isaac, my loves!

"I won't definitely go to that party." ani Arya kaya nahulog ang ngiti ko.

"Ay... Ano? magkukulong ka nanaman sa kwarto mo? Labas-labas din sis. Exercise your body! ganern!"

"I prefer to stay on my bed all night that seeing those flirty people in that party." aniya at ipinagpatuloy ang pag-kain. Napabaling naman ako kay Reeve.

"Ikaw sis? For sure pupunta din si Isaac, so sasama ka ba sa kaniya?" tanong ko sa kaniya.

"I'm not sure yet. Minsan kasi ayaw akong payagan ni kuya na sumama sa mga ganya." aniya.

"Super protective talaga ni Isaac sayo, daig pa ata yung papa niyo." sana sa akin din protective siya.

"I know right? Ever since we were kids, he is always like that. Nagagalit pa siya tuwing may lalapit sa aking lalaki." aniya. Napabaling ulit ako kay Arya at kinalabit siya.

"Hoy Arya! Sumama ka na kasi. Pleeaasseee." pamimilit ko sa kaniya. Tumingin siya kay Reeve na ngumiti lang sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at bumutong hininga 'tsaka tumango.

Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)Where stories live. Discover now