Nagising ako sa tunog ng phone ko na nasa tabi lang ng kama. Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan kung sino ito.
"Hello?"
"Oh my gosh. Did I wake you up?" nalaman ko kaagad na si Reeve ito dahil sa boses niya.
"Oo sis, nasa panaginip ko pa si Isaac eh. Ano ba yun?"
"I just want to tell you that we are going to the beach! So pack up your things because will going to stay there for three days!" aniya. Agad akong napaupo kahit nahihilo pa dahil sa pagkakagising.
"Beach?! Talaga?!"
"Yes, girl! So hurry up! We'll meet in front of Liam's house."
"Sasama din sila?"
"Duh. Girl, of course. Scott won't allow me to go if there are just three of us."
Pagkatapos ng tawag ay agad akong lumabas para sabihin ito kay Isaac. Nakita ko siya sa sala na may inaayos. Napalingon siya sa akin nang makita akong lumabas sa kwarto.
"Alam mo na bang pupunta tayo sa beach?" excited na tanong ko at tumango naman siya.
"Yeah. Liam informed me a while ago." aniya.
"Ano 'yang ginagawa mo?" tanong ko nang mapatingin sa inaayos niya.
"It's a CCTV camera." aniya.
"Bakit ang dami naman?" Bawat sulok ba nitong condo niya, kailangan ng cctv?
"Just to make sure that everything is going to be safe here." aniya habang seryoso pa rin sa ginagawa.
"Nakapag-ayos ka na ba ng gamit mo? Baka mahuli na tayo doon kila Liam." ani ko.
"Yes, I'm just waiting for you." napataas ako ng kilay.
"Sige. Mag-aayos na ako para maka-alis na din tayo." tumango lang siya kaya bumaik na ako sa kwarto.
Binuksan ko ang cabinet at napatingin sa lahat ng damit na nandoon. Inilagay ko ang kamay sa aking baba habang nag-iisip. Kinuha ko yung medyo maliit kong maleta at ipinatong 'yon sa kama. Kumuha ako ng iilang shorts at t-shirts, pati long-sleeves para kapag malamig sa gabi ay 'yon ang isusuot ko.
Syempre hindi mawawala ang pang-ligo ko noh. Nakalagay lahat ng two-piece ko sa kama at pumipili ng dadalhin. Kasama si Isaac kaya dapat sexy ako! Dapat yung maglalaway siya kapag nakita niya ako.
Napagdesisyonan kong dalhin nalang 'yon lahat para doon nalang ako pumili. Nagpalit na din ako ng shorts at medyo maluwag na damit. Inipit ko din ang buhok ko at kumuha ng shades. Pagkatapos kong mag-pack ng mga kailangan ko ay lumabas na ako ng kwarto habang hinihila ang maleta ko at nakasuot naman sa balikat ko ang isang bag ko.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomansaRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...