"Cheers!"
Itinaas namin dalawa ni Arya ang hawak naming vodka at ininom ito. Nandito kami ngayon sa socialwise at nag-ce-celebrate. Kasama din namin si Enzo na tahimik lang na nasa tabi namin.
"Grabe, after how many years of studying, you are now graduated! Congratulations Rae, I'm so proud of you!" sigaw ni Arya habang ginagalaw ang ulo kasunod sa beat ng tugtog.
"Thank you, Arya! Ikaw papasok ka na sa law school! Goodluck sis! Alam mo, proud din ako sayo kasi sobrang tapang mo para ipaglaban ang pangarap mo." marahang saad ko at ngumiti naman siya sa akin. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
Noong nasa kalagitnaan kami sa 2nd semester noong first year, bigla siyang nag-shift ng course. Nagulat nalang ako dahil nag-take siya ng Political Science as her pre-law major. And ngayon, after four years, ga-graduate na din siya next month tsaka siya papasok sa law school for another three years.
Nakakagulat talaga kasi hindi ko alam na mas gusto niya palang maging Lawyer. She never mentioned anything to me about that.
"Now. Let's have fun!" aniya at ibinaba ang inumin namin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako.
"where are you going?" sa wakas ay nagsalita na si Enzo na parang bato lang sa tabi namin.
"We're going to the dance floor." ani Arya at itinuloy ang paghila sa amin. Tumigil kami sa gitna ng mga nagsasayawan. Napatingin namain ako sa likod ko at nakita si Enzo na diretsong nakatayo habang tumitingin sa paligid.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko habang sinasabayan ang tugtog.
"Guarding you." maiksing saad niya.
"Mukha kang poste jan. Galaw-galaw din naman Enzo!" ani ko pero inirapan niya lang ako.
Aba! Kotang-kota na ko jan sa pag-irap mo ah. Hablutin ko yan eh.
"Kung hindi ka din lang naman pala sasayaw, bumalik ka nalang sa table natiin." muli siyang bumaling sa akin at tinaasan ako ng isang kilay.
"As what I've said, I'm guarding you here."
"Kung nandito ka din lang, edi sumayaw ka na! Hindi ka ata marunong eh, wag kang mag-alala, tuturuan kita. Marami akong alam na moves." ngumisi ako sa kaniya.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomanceRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...