Chapter 50

1.5K 57 62
                                    

*7 years later*


"Yun oh! ANAK KO YAN! SIGE IKEMBOT MO, ANAK!"


Halos makipag-palakasan ako ng sigaw sa mga katabi kong mga parents. Kasama sa mga nagpeperform ngayon ang anak ko at syempre, bilang supportive mother, nandito ako sa harapan ng stage.


"ANAK KO YAN!" Muling sigaw ko. Napansin ko pang napapatingin sa akin ang ibang mga parents pero wala na akong pakealam.


Pagkatapos ng performance ay pumunta ako sa backstage para salubungin si Lynzee. Agad ko naman siyang nakita kaya lumapit ako.


"Ang galing naman ng baby ko!" Masayang saad ko at hinalikan siya sa kaniyang pisnge.


"Mama, you were so loud earlier. I can even hear you while I'm at the stage." Nakabusangot na saad niya.


"Syempre proud ako sayo, anak." Nakangiting saad ko. "Sandali, nasaan ba si Dale?" Nagtatakang saad ko tsaka inilibot ang tingin sa buong backstage.


"Mama!" Agad akong napangiti nang makita ang isa ko pang anak na si Dale, Lynzee's twin.


Oo, kambal ang anak namin ni Isaac. Lyndale Alexus and Lynzee Alexine is already 6 years old. Dale has a bright and bubble personality while Lynzee is more of like a serious personality type. Magkaibang-magkaiba sila ng ugali. But they're the sweetest.


"Saan ka nanaman nanggaling, ha? Kanina pa kita hinahanap. Hindi mo na napanood yung performance ni Lynzee." Seryosong saad ko. Napakamot naman siya sa batok at hilaw na ngumiti.


"I'm sorry po. Nakakita kasi ako ng pagkain, ma. Tapos nilibre ako ng mommy ni Jeron." Paliwanag niya.


"Don't lie. I saw you talking to your crush." Biglang saad ni Lynzee. Napataas ako ng isang kilay at muling napalingon kay Dale na ngayon ay hindi na maipinta ang mukha.


"Hindi ah! Mama, wag kang maniwala diyan! Scam yan si Lynzee." Aniya at hinawakan ang dalawang kamay ko.


"Anong scam- scam? Saan mo nanaman narinig yan?" Ani ko.


"Kay Tito Levi po. Lagi ko po yun naririnig kapag nag-uusap sila ni Tito Liam." Nakangiting saad niya.


"Diba sinabi ko na wag kang makikinig sa mga sinasabi ng mga yun? Scam yung mga yun. Bad influence sila." Pag-bibiro ko. Sabay naman silang tumawa at hinawakan na ang magkabilaan kong kamay.


"Are we going to the cemetery? Diba today is his death anniversary po?" Ani Lynzee habang naglalakad kami palabas ng school.


"Yes anak. Pero bibili muna tayo ng flowers." Ani ko. Sumakay sila sa likod ng sasakyan at ako naman ay dumiretso sa driver's seat.


Gaya nga ng sinabi ko, dumaan muna kami sa flower shop para bumili ng bulaklak. Pagkatapos ay tumuloy na kami sa sementeryo.

Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)Where stories live. Discover now