"A-Ano? Wala a-akong sinasabing ganyan!" umiwas ako ng tingin sa kaniya at napalunok
"Oh? Have you forgotten about what happened last night?" he asked in mockery. Muli akong napatingin sa kaniya habang nakakunot ang noo. Tinanggal niya ang kaniyang facemask at mapanuyong ngumiti sa akin.
"W-What happened?" kinakabahang tanong ko. Hindi ko talaga maalala kung ano ang nangyari. Mas lumawak ang ngiti niya dahil doon.
"Then let me remind you." humakbang siya palapit sa akin. Bumilog ang mga mata ko at napahakbang paatras.
"Anong gagawin mo?"
"I'm just going to make you remember what happened last night. Don't you wanna know?" mapang-asar na saad niya. Mas lalong siyang lumapit sa akin.
"S-Sandali! Wag kang lalapit!" I said while pointing at him but he acted like he didn't hear me and continued to walk towards me. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa harapan ko at hinawakan ang kamay ko. Itinapat niya yun sa kaniyang pisnge.
"You were so shocked when you saw me and you even accused me that I copied someone else face. Do you want to know the next thing that you did?" tinaasan niya ako ng isang kilay. Dahan-dahan akong tumango at nagulat ako nang bigla niyang sampalin ang sarili niya gamit ang kamay ko.
"Hoy! Bakit mo ginawa yun!?" agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"That's what I also want to ask you last night. Why did you slap me?" he asked seriously. Hindi ako nakapagsalita. Napatingin ako sa kawalan nang may biglang pumasok sa isipan ko.
*Flashback*
"Kamukha mo yung bulok kong bodyguard!" I exclaimed. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya.
"Bulok? What?"
"Oo! Bulok siya! Palitan mo nga yang mukha mo! Ayoko niyan! Ayokong makita ang mukhang yan!" ani ko at sinampal-sampal ang pisnge niya.
"Aw! What the fuck woman! Stop it!" Hinahawakan niya ang dalawang kamay ko upang pigilan ito.
"Palitan mo yang mukha mo! Manggagaya ka! Wala kang originality!" Sigaw ko habang masama ang tingin sa kaniya.
"If you don't stop, I gonna stample your mouth. I'm serious, Rae."
"Stample? Masakit yun! Bad ka! Isusumbong talaga kita!" tinulak ko siya sa kaniyang dibdib kaya napaupo siya. Tumayo naman ako sa duyan at tumakbo ng mabilis, palayo sa kaniya.
*End of flashback*
Agad na bumilog ang mga mata ko nang maalala ang ilan sa nangyari kagabi. Mabilis na bumalik sa kaniya ang tingin ko at nakitang nakatitig siya sa akin habang nakakunot ang noo. Umiwas ako ng tingin at tumikhim.
"Kailangan ko nang umalis. Marami pa akong gagawin ngayong araw na ito." mabilis akong naglakad palabas ng bahay nang hindi siya nililingon.
Nang nasa tapat na ako ng sasakyan ay inunahan niya ako sa pagbukas ng pintuan. Napatingin pa ako s kaniya bago pumasok sa loob. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa loob ng sasakyan niya.
**********
Kakatapos lang ng meeting namin at agad din akong bumalik sa office. Habang nagka-upo at wala pang ginagawa ay biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa aking bag at nakitang tumatawag si Arya. Agad ko naman itong sinagot.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomansaRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...