Ilang buwan na simula nang magtrabaho ako sa isang coffee shop at naging maganda ang lagay ko doon. Agad ko din na nakasundo ang mga staff doon pati na rin yung manager namin. Friendly yern.
Ngayong sabado ay naisipan kong lumabas kami nila Arya at Reeve. Kaya tinawagan ko silang dalawa at pumayag naman sila. Sumakay kami sa sasakyan at si Arya na ang nagdrive.
Nang makarating kami doon ay nag-ikot-ikot muna kami bago pumunta sa mga food stools at bumili ng pagkain. Habang naghahanap kami ng mauupuan ay nahagip ng mata ko ang isang grupo ng tao na kumakain din doon. Agad ko siniko si Reeve at tinuro sila.
"Ay sis! Sila Isaac yun oh!"
"Yeah. I saw them too. Let's go there." deretsahang sabi niya kaya gulat akong napabaling sa kaniya.
"H-Ha?! Bakit?!" Wait! Hindi ako ready! Pretty pa ba ako? Baka haggard na ako ah.
"I'll just talk to my brother to let him know that we're also here." aniya at hinila na ako papunta sa kanila. Sinuklay ko pa ang buhok ko gamit ang mga darili ko habang hinihila ako ni Reeve.
Nang makalapit kami sa kanila ay agad nila kaming napansin kaya sabay-sabay silang bumaling sa amin. Nagsimula nanamang kumalabog ang dibdib ko nang mapatingin sa amin si Isaac. Nakasuot siya ng polo shirt na naka tucked-in at khaki pants.
"Uy! Nandito pala si Reeve!" ani Levi na kaibigan din nila.
"Yeah. I saw her too and she's with her friend." sabi naman ni Liam
"What are you doing here?" napabaling ulit ang tingin ko kay Isaac nang bigla itong magsalita.
"Just hanging out with my friends. I'm with Rae and Arya." ani Reeve. Napatingin sa akin si Isaac at tumango.
"Sakto may extra pang upuan dito oh! Dito na kayo ng mga kaibigan mo!" ani Levi.
Bakit ba ang ingay nitong lalaking toh?
Pumayag na kami ni Reeve na maki-upo sa kanila dahil mukhang wala na ding ibang available na table. Sakto namang nakalapit na din si Arya. Agad naman akong lumapit sa katabing upuan ni Isaac ng walang pag-aalinlangan. Nakita kong palapit sana dito si Reeve pero tumigil siya nang makaupo na ako. Ngumiti ako sa kaniya at kinindatan siya.
Mukhang gaganahan akong kumain ngayon ah.
"Oh. Kumain na kayo. Matatapos na kami eh."
"Why don't we just wait for them and then we all stick together?" pagsuggest naman ni Liam.
"Sure! Sige ba!" para na rin kaming mag-da-date ni Isaac, my loves.
Habang kumakain kami ay napapasulyap ako kay Isaac pero agad ding umiiwas kapag napapatingin siya sa direksyon ko.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomanceRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...