Dahan-dahan akong bumalik sa higaan at umupo doon habang nakatulala sa kawalan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
Anong ibig niyang sabihin? Anong misyon? Bakit nasali ang pangalan ko?
Hindi na ako nagulat nang pumasok siya sa kwarto. Nakita niya akong naka-upo kaya napakunot ang noo niya.
"You can't sleep, babe?" tanong niya at lumapit sa akin. Napa-iwas ako ng tingin nang maalala ko ang sinabi niya kanina sa kausap niya.
"Nagising ako. Wala ka kasi sa tabi ko." ani ko habang hindi pa rin tumitingin sa kaniya. Umupo siya sa tabi ko pero umurong ako ng konti para hindi kami magkalapit.
"What's wrong?" Marahang tanong niya pero umiwas lang ako ng tingin.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pero gusto kong malaman kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya tungkol sa akin.
"W-wala. Masama lang ang pakiramdam ko."
"Are you sick? Do you want me to bring you a medicine? Do you want to go to the hospital? What do you need?" sunod-sunod na tanong niya pero umiling lang ako.
"Wala. Itutuloy ko nalang ang tulog ko." muli na sana akong hihiga pero hinawakan niya ang aking braso. Magkasalubong ang kilay niya.
"Is there something wrong? Why are you acting like this?"
"Wala nga. Masama lang ang pakiramdam ko, Isaac."
"I know something's wrong. Tell me, Rae." sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero iniwas ko ito.
Nagtataka siyang nakatitig sa akin. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
"A-ano ba talagang intensyon mo sa akin?"
"What do you mean?"
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Are we going to talk about this again?" mariin na saad niya.
"Anong misyon yun, Isaac? Anong ibig sabihin nun? . . . Ano ka ba talaga?"
Hindi siya agad nakasagot at nakatitig lamang siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at yumuko. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.
"What did you hear?" mariin na saad niya. Bumuntong-hininga siya at mariin na pumikit.
"Lahat. Narinig ko lahat, Isaac. Kaya sabihin mo sa akin ang totoo. Anong misyon yun? Anong ibig mong sabihin dun?"
Parang sasabog na ang puso ko aa sobrang kaba. Natatakot akong malaman ang totoo. Na baka hindi niya naman talaga ako mahal. Na baka kasinungalingan lang lahat ng 'yon.
Umiwas siya ng tingin at parang walang balak sabihin sa akin. He was clenching his jaw while intently staring at nowhere.
"Please, sumagot ka..." mahinang saad ko.
"I.."
"Ano?.." naramdaman ko ang namumuong luha ko pero pinipigilan ko itong kumawala.
"I'm sorry..."
Para akong nanghina sa sinabi niya. Nanginginig ang mga kamay ko.
"B-bakit ka nag-so-sorry?" kinagat ko ang ibabang labi ko. Bumaling siya sa akin.
"I'm sorry for lying to you. . . What you heard are all true. . . I was assigned to look out for you because there are people who want to take you."
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomanceRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...