"Bakit tayo nandito sa condo mo?"
Pumasok kami sa condo niya at umupo naman siya sa couch habang ako ay nakatayo lang sa harapan niya. Ipinatong niya ang braso sa sandalan ng couch at nagdekwatro.
"Your apartment is still a mess and we're fixing it." aniya.
"Paano yan? Nandoon pa yung mga gamit ko." ani ko. Bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa guest room. Kumunot ang noo ko habang sinusundan siya.
Pagkabukas niya ng ilaw ay nagulat ako dahil nandoon ang ibang gamit ko. Nakalagay iyon lahat sa kama. Lumapit naman siya sa cabinet at binuksan iyon. Mas lalong lumaki ang mata ko nang makita ang mga damit kong naka-ayos na doon.
"P-paanong nandito na ang mga ito."
"I ordered Jameson and Enzo to put your things here."
"Jameson? Enzo?" nagtatakang tanong ko pero bigla kong naalala yung dalawang lalaking kasama niya noong may pumasoksa apartment ko. "Ah naaalala ko na. Pero yung Enzo lang ang nakilala ko." ani ko.
Siya na ang nagluto ng hapunan namin habang ako naman ay nag-aayos ng ibang gamit ko. Napaisip ako bigla kung bakit ito ginagawa ni Isaac. Bakit niya ako pinapatira sa condo niya? Ilang araw kaya ako dito?
So parang live-in kami, ganun?
Bigla akong namula sa naisip ko. Anong mangyayari kapag kaming dalawa lang ang nandito?
"Hey."
"Ay gagapangin!" napatalon ako sa gulat nang biglang pumasok si Isaac. Mabilis akong napalingon sa kaniya habang gulat pa rin ang mukha. Nakita kong nagsalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. Nakahawak lang siya sa doorknob nang buksan niya ang pinto.
"What do you mean?" aniya.
"W-wala. Ano palang kailangan mo?" mahinang sabi ko.
"Dinner is ready." aniya at sinara sa ulit ang pinto.
Napasampal ako sa pisnge ko at umiling-iling. Tsaka sumunod na sa kaniya papunta sa kusina niya. Pagpasok ko ay nakita kong nakahain na doon ang pagkain. Umupo ako sa harapan niya habang siya ay nagsimula nang magsandok ng kanin.
"Kailan matatapos ang pag-aayos ng apartment ko?" panimula ko habang kumakain kami.
"I'm not sure. A month, I think." lumaki ang mata ko at nabulunan kaya dali-dali akong kumuha ng tubig.
"I-Isang buwan? Bakit ang tagal naman?" bumuntong-hininga siya at ibinaba ang hawak na kutsara at tinidor 'tsaka tumingin sa akin.
"The furniture is broken at even the lights. We have to fix everything." aniya.
"P-pero hindi naman ganun kalala ang nangyari nung nandoon ako ah." umiwas siya ng tingin.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomansRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...