Chapter 31

1.4K 48 31
                                    

"Reeve just left last month and now you're leaving too."


Niyakap niya ako ng mahigpit. Nandito kami ngayon sa airport. Kailangan kong pumunta sa Spain dahil sinabi ni Tita na nagkasakit daw si lola at kailangan namin siya bisitahin. Kasama ko sila ngayon.


"Babalik naman ako agad. Bibisitahin ko lang si lola."


"You should. Anyway, have a safe flight." bumaling siya kila Tita at nagpaalam din.


Niyakap ko pa siya ng ilang beses bago ako tumalikod sa kaniya. Ngunit bago ko iyon magawa ay may napansin akong isang lalaki na nakatanaw sa amin. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil sa sumbrero pero alam ko ang tindig ng katawan nito.


Umiling nalang ako at tuluyan nang tumalikod. Sumunod ako kila Tita papasok.



Imposibleng nandito siya. Sino naman pupuntahan niya dito.



Buong flight namin ay tulog ako. Dahil na din kulang talaga ako sa tulog.



Nang makarating kami sa Spain ay may sumalubong sa aming lalaki na naka formal suit.



"Bienvenido! La señora ya te está esperando." Welcome! Madam is already waiting for you.


Sumunod kami sa lalaki at sumakay sa isang magarbong sasakyan. Kilala ko siya. Siya ang dating assistant ni mama sa trabaho. Pero nung namatay si mama ay kay lola na siya nagtatrabaho.




Nang makarating kami sa isang magarbong bahay ay biglang bumalik ang mga alaala ko noong nandito ako kasama ang mga magulang ko.


Mahigpit akong napahawak sa bag ko. Bigla kong naalala ang tumawag sa akin dati na nagsabing siya daw si mama. Sinubukan kong tawagan ulit ang number sa 'yon pero hindi na matawagan. 



Pagpasok namin ay sinalubong kami ng mga kasambahay. Yumuko sila nang mapadaan kami. Ang iba ay kinuha ang mga gamit namin sa sasakyan. Pina-upo muna kami sa maluwang na sala at doon nag hintay.



"¡Mi hija!" 



Sabay kaming napatingin sa hagdan nang marinig si lola na ngayon ay inaalalayan ng personal nurse niya. Kumunot ang noo ko at nagtaka dahil akala ko ay may sakit siya. Pero parang hindi naman dahil ang lakas-lakas niya tignan.



"Mamá. Pensé que estabas enferma" Mom, I thought your sick?



Sinalubong ni Tita si lola at marahang niyakap ito. Nakangiti naman si lola habang kinakausap ang kaniyang anak.



"Si no te dije que estoy enfermo, no vendrás aquí. ¿Derecha?" If I didn't tell you that I'm sick, you're not coming here. Right?

Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)Where stories live. Discover now