Chapter 34

1.4K 53 18
                                    

Ilang segundo akong nakatulala nang marinig ko ang boses niya na bumulong sa aking tenga. Pagkatapos ng tatlong taon, ngayon ko lang ulit naramdaman ang presensya niya. Ang pang-huling beses ko siyang nakita ay dun sa restaurant noong umuwi ako galing sa Spain. Hindi ko siya nakita noong nakalipas na taon kahit makasalubong manlang sa Chaseford ay hindi yun nangyari. Para siyang bula na bigla nalang nawala.



Nang matauhan ako ay mabilis akong humiwalay sa kaniya kaya nabitawan niya ako. Pagharap ko sa kaniya ay nakita ko ang mapupungay niyang mga mata pero nanatili ang galit sa akin. 



"Anong ginagawa mo?!" pagalit na saad ko. 



"Don't shout, Rae. They might hear you." mahinang saad niya pero may halong pagdiin dun.



"Wala kang pakealam! Bunganga ko 'to kaya ako ang mag-de-desisyon kung sisigaw ako o hindi!" mas lumakas pa ang boses ko nang hindi ko namamalayan. Bigla nanamang namuo ang galit sa loob ko.



"Alright. Just calm down, I won't do anything to you." kalmadong saad niya pero inirapan ko siya.



Hindi na ako magpapatinag sa pa-ganyan-ganyan mo! Strong kaya ako.



"Umalis ka na nga. Baka hinahanap na ako ni Enzo, sinabi niya na wag akong aalis dun!" Muli akong lumabas nang bigla akong hilain pabalik ni Isaac. Madilim na ang kaniyang mukha at nagtiim-bagang.



"You're not going anywhere! It's still dangerous out there!" bulyaw niya sa akin. Nagulat man ay hindi ko yun pinahalata sa kaniya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin at lumayo sa kaniya.



"Ano ba kasing pakealam mo?! Sino ka ba?!" 



Maslalong dumilim ang kaniyang mukha at nagpakawala ng marahas na hininga. Kinagat niya ang ibabang labi niya at umiwas ng tingin na parang nagtitimpi. Magsasalita pa sana siya pero biglang may pumasok sa dito sa loob.



"Rae?!" nakita ko si Enzo na tagaktak ang pawis at parang natataranta. Mabilis na napunta sa akin ang kaniyang mga mata kaya agad niya akong nilapitan.



"Why the fuck did you leave there?! I told you not to move!" bulyaw niya sa akin pero nandoon pa rin ang pag-aalala sa mukha niya.



"It's not safe there. They might see here because it's an open area." biglang nagsalita si Isaac na ngayon ay nakahalukipkip habang nakasandal sa pader. Napatingin si Enzo sa kaniya.



"Isaac." nagtanguan silang dalawa pagkatapos ay muling bumaling si Enzo sa akin.



"Let's go." hinawakan niya ang siko ko at sabay kaming lumabas. Hindi na ako lumingon kay Isaac ngunit naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa amin. 



Paglabas ko ay nakita ko ang sira-sirang mga gamit. May mga nabasag din na salamin at sugatan na mga gwardya. Bigla akong nag-alala at akmang lalapita sila pero pinigilan ako ni Enzo.



"The ambulance is coming, don't worry. I have to take you home." malamig na saad niya. Minsan talaga hindi ko maintindihan itong si Enzo. Pabago-bago ng mood, akala mo ni-re-regla.



After a few calls from someone, hinatid na niya ako pauwi sa apartment ko. Bumaba na din siya sa sasakyan dahil dito din naman siya uuwi. Magkatabi lang kami ng apartment, sabi niya ay mas madali niya akong mabantayan kung malapit lang siya sa akin.



"Lock your door and call me when something happens. . .  or just scream. . . Whatever." umiwas siya nang tingin at napataas ako ng kilay.



Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)Where stories live. Discover now