Kakatapos lang ng bagong taon at bumalik na ang iba naming kasambahay pati na rin si Aling Maresita. Kasama niya naman ang kaniyang dalawang taong gulang apo dahil walang magbabantay sa kaniya doon sa Pangasinan.
"Kamusta na po ang anak niyo?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain kami ng breakfast.
"Maayos na ang pakiramdaman niya. Kailangan niya nalang magpahinga." Ani niya pagkatapos ay tumingin kila mama. "Maraming salamat, Mariana, dahil sa pagpapagamot mo kay Beah at pinayagan mong manatili muna dito ang apo ko."
"Naku Nay, walang anuman po. Parang pamilya ko na din po kayo. Mabuti naman at maayos na ang pakiramdam ng anak niyo." Marahang saad ni mama.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila dahil kailangan ko nang pumunta sa hotel. Tumawag sa akin ni Mitch at sinabing nandoon daw si Arya sa office ko. I went inside my Porche and start the engine. Hindi ako maihahatid ni Isaac dahil may biglaan siyang meeting na sobrang aga.
Ngunit bago pa ako maka-alis ay nakita ko si Aling Maresita kasama ang kaniyang apo. Nakahawak siya sa kamay ni Aling Maresita at parang may sinasabi siya sa kaniya ngunit umiiling lang si Aling Maresita. Muli akong lumabas ng sasakyan at lumapit sa kanila.
"May problema po ba, Aling Maresita?" tanong ko nang makalapit ako. Napatingin sa siya sa akin at ngumiti ng may pag-aalinlangan.
"Alexandria. Ito kasing apo ko, gusto niyang lumabas at maglaro. Hindi ko naman siya masamahan dahil marami pa akong kailangang gawin." paliwanag niya sa akin. Napatingin naman ako sa apo niyang si Westly na patuloy na hinihila ang si Aling Maresita.
Lumuhod ako para mapantayan si Westley.Lumipat naman ang tingin niya sa akin. He tilted his head and innocently stared at me. Ngumiti ako sa kaniya at marahang hinawakan ang maliliit na braso niya.
"Hi Westley! Gusto mo bang sumama kay ate? Pupunta tayo sa playground!" magiliw na saad ko. Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha niya at mabilis na tumango.
"Ay naku! Ayos lang ba sayo, iha? May trabaho ka pa, nakakahiya naman kung ikaw pa ang mag-aalaga sa aking apo." nahihiyang saad ni Aling Maresita ngunit umiling ako.
"Okay lang po, mababantayan ko pa rin naman po siya." ani ko.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomansaRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...