"OMG! Makakasama natin sila Isaac!" ani ko habang hinihila ang braso ni Arya.
Nag-announce kasi yung Prof. namin na magkakaroon ng booth lahat ng students sa Chaseford University and paghahaluin ang iba't ibang courses. Sinabi ni Ma'am na ang makakasama namin ay ang Third-year students at kasama doon ang Tyrant Four so ibig sabihin ay nandoon din si Isaac!
Hinihintay lang namin ang magtatawag sa amin para sa meeting. Maya-maya ay nakita na namin si Scott na papasok sa room. Pumunta siya sa harap at tumikhim muna bago nagsalita.
"The surnames that I will call will come with me." aniya at binasa ang nakasulat sa hawak niyang papel.
Domingo
Diaz
Soriano
Garcia
Hernandez
Tolentino
Iilan lamang kaming tinawag dahil kami ang inassign na magsisilbing guide sa ibang mga kasama namin. Lahat kaming tinawag ay sumunod kay Scott papunta sa kanilang building. Katabi ko si Arya at Reeve dahil isa din sila sa mga natawag.
Biglang kumalabog ang dibdib ko nang mapagtanto kong pupunta kami sa room nila Isaac. Nang makapasok kami ay nandoon ang iilang mga estudyante. Inilibot ko ang tingin at agad na nakita si Isaac kasama sila Levi at Liam. Tumahimik na ang lahat ng magsimula nang magsalita si Miss Bianca.
"I called you all here to talk about the booth. Do you have any suggestion?"
Tumingin kami sa iba habang tinitignan kung sino ang may suggestion. Nagtaas ng kamay ang isa at sakanya natuon ang lahat ng atensyon.
"Since very common naman po kung magtitinda tayo ng pagkain, why don't we just sell a shirt and then we're the one who will design that?" aniya.
"And you think that's not common?" sumbat naman ng isa habnag nakataas ang isang kilay.
"Yes. Especially kung may pirma nila Scott, right? We all know na marami silang fangirls dito."
Nagbulungan ang iba at napatingin sa Tyrant 4 na tahimik lang at nakikinig. Nakita kong nagtaas ng kilay si Isaac na mukha hindi sang-ayon dito pero tumingin lang din sila kay Scott at hinintay ang sasabihin nito.
"Are you okay with that, boys?" tanong ni Miss Bianca sa kanila. Matagal na hindi nakasagot si Scott ngunit ,maya-maya ay tumango siya.
************
Pagkatapos ng klase ay dumiretso na ako sa coffee shop. Friday ngayon kaya may trabaho ako doon. Pagkapasok ko doon ay agad akong nagpalit ng damit. Lumapit ako kay Aimy, isa sa mga katrabaho ko, na parang may tinatanaw.
"Hoy! Anong ginagawa mo jan?" napatalon siya sa gulat at lumingon sa akin.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomansaRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...