"Happy Birthday, Rae!"
Nagulat ako nang biglang lumitaw si Arya sa tapat ng apartment ko. Nakabalik na ako nung isang araw pa at nagulat ako dahil halos lahat ng furniture ay na bago. Tuwang-tuwa pa si Aling Tessa dahil nabago lahat ng mga gamit.
"Grabe namang bungad yan! Mukha mo agad nakita ko!" pang-aasar ko. Inirapan ako ni Arya at inilahad sa akin ang phone niya. Ka-video call niya si Reeve na nasa London na ngayon. Bigla itong lumipad sa London nung nag-break sila ni Scott.
"Happy Birthday, Rae-Rae!" Masayang saad niya. Masaya ang pinapakita niya pero hindi yun tugma sa mga mata niya. Halata din ang pagkamugto ng mga ito.
"Thank you Reeve! Miss na kita agad!"
Lumabas na ako sa apartment ko at sabay kaming papasok ni Arya habang kausap namin si Reeve.
"I'm sorry I can't be with you today..." malungkot na saad niya. Agad naman akong umiling at ngumiti sa kaniya.
"Ayos lang, Reeve. Alam naman namin kung bakit ka umalis. Naiintindihan ko. Basta mag-ingat ka jan, ha." paalala ko sa kaniya.
"And be strong, Reeve. Everything is going to be okay. Mag-focus ka muna sa sarili mo. Let your heart heal."
Pinagmamasdan ko lang si Reeve habang nagsasalita si Arya. Napansin ko ang nagbabadya niyang luha na agad naman niyang pinunasan. Pati tuloy ako nalungkot. Hindi namin alam ang buong nangyari dahil ang sinabi lang naman niya sa amin ay wala na sila ni Scott at pinabalik siya ni Isaac sa London.
Saktong pagkatapos naming mag-usap ni Reeve ay nakarating na din kami sa Chaseford. Nag-text sa akin si Isaac kanina na hindi daw siya papasok ngayon dahil may biglaan siyang lakad kasama ang parents niya. Hinintay kong batiin niya ako pero wala siya binanggit na kahit simpleng happy birthday lang.
Nakalimutan niya ba? Hindi niya ba alam?
"Hoy! Birthday na birthday mo tapos byernes santo yang mukha mo." natigil ako sa pag-iisip nang biglang lumitaw si Levi sa harap ko. Mas lalong lumukot ang mukha ko nang makita siya.
"Sira na nga yung birthday ko mas lalo pang nasira dahil jan sa pagmumukha mo." inirapan ko siya at nagpatuloy sa paglalakad. Sumabay siya sa akin at si Arya naman ay nasa likod naming dalawa.
"This face can brighten up your day, Raetot." ani Levi habang nakalagay ang kamay sa kaniyang baba at pinasingkit ang mga mata.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomanceRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...