Warning: Harrassment
Unti-unti kong iminulat ang mga mata at nag-adjust sa liwanag. Naramdaman ko ang pangangalay ng aking mga kamay at paa. Nagtaka ako dahilko hindi maigalaw ang mga ito at pagtingin ko nakatali ang aking kamay at paa sa upuan.
Nagtaka ako ngunit bigla kong naalala ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. Sisigaw na sana ako ngunit may panyong nakatakip sa aking bibig. Tinignan ko ang aking paligid at hindi ito pamilyar sa akin. Gumalaw-galaw ako at sinubukang alisin ang tali ngunit hindi ko ito magawa.
Nakarinig ako ng yabag na papalapit sa akin kaya nag-kunwari akong wala pa ring malay. May naririnig din akong mga boses.
"Ano bang gagawin natin sa babaeng 'to?" narinig kong tanong ng isa. Mukhang nakalapit sna sila sa akin dahil rinig na rinig ko na ang boses nila.
"Ang sinabi lang ni Madam ay dalhin natin siya dito at hintayin siya." ani naman nung isa pang kasama niya. Mukhang lalaki silang lahat dahil sa boses.
"Gisingin na kaya natin para pagdating ni Madam, gising na siya." muling saad ng lalaking nagsalita kanina.
"Paano naman natin gigisingin yan?"
"Tanga ka ba? Edi lapitan mo!"
"Gago. Ayoko nga, ikaw na kaya. Tutal ikaw naman naka-isip na gisingin yan."
"Psh. Duwag amputa." narinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin at mamaya ay naramdaman ko ang marahang pagtapik sa balikat ko. "A-ano- Gising na. Ahm- puta ano ngang pangalan nito?" aniya at narinig ko naman ang pagtawa ng lalaking kasama niya.
"Tanga mo, pre. Ano.. ahm.. Ano nga ba yun?"
Gusto kong sumumbat sa kanila at isigaw ang pangalan ko. Pareho palang tanga 'tong dalawang 'to eh!
"Basta may Alex yun eh." saad naman ng isa. Ilang minuto silang tahimik at maya-maya ay biglang sumigaw ang isa. "Ah! Alexadra! Yun! Yun yung pangalan niya- aray naman! Tangina mo ah!"
"Bobo! Alexandria yun! May letrang I. Napakatanga!" galit na saad ng isa.
"Oh. Edi ikaw na, pre. Alam mo naman pala. Tangina nambatok pa, amputa."
"Ang tanga niyong dalawa. Ganito kasi manggising." nakarinig nanaman ako ng mga yapak na papalapit sa akin at maya-maya ay naramdaman ko ang malakas na pagsampal sa akin at doon ko tuluyang naimulat ang mga mata ko. "Oh diba? Edi gising. Inubos niyo pa oras niyo sa pag-iisip ng pangalan niya."
Pagmulat ko ay nakita ko ang tatlong lalaking kanina pa nag-aaway sa harapan ko. Ang ine-expect ko ay matatanda na sila pero hindi. Mukha lang silang mas matanda sa akin ng ilang taon. Tinanggal nung isa ang telang nakalagay sa aking bibig.
"Sino kayo?! Bakit niyo ako dinala dito?!" Nag-akto akong nagtataranta sa harapan nila.
Ganon naman ang nasa mga pelikula diba?
"Ngayon ko lang naaninag ng mabuti yung mukha niya. Maganda pala siya." nairinig kong ibinulong nung isa pero agad ding natahimik nang sikuin siya ng katabi niya.
"Inutusan lang kami. May gustong kumausap sayo kaya tumahimik ka muna jan habang hinihintay natin siya." kalmadong saad ng lalaking gumising sa akin.
"Tatahimik? Sa tingin mo tatahimik ako kapag ganito ang lagay ko?! Tanga lang?" Nakita kong nagdilim ang mukha nilang tatlo at ang isa naman ay lumapit sa akin. Bumilog ang mga mata ko ang marahas niyang hawakan ang baba ko at pilit na ihinarap sa kaniya.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomanceRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...