Nagising ako at naramdaman ang sakit sa ulo ko. I groaned while holding my head. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at natagpuan ang sarili sa isang hindi pamilyar na kwarto. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at natigilan nang dumapo ito sa taong nasa tabi ko.
Wala siyang damit pang-itaas at natabunan naman ng kumot ang nasa pang-ibaba niya. I felt my heart racing as I looked at my body underneat the blanket. Lumaki ang mata ko ng mapagtantong wala akong damit na pang-itaas ngunit suot ko parin naman ang bra ko at shorts sa ibaba.
Pumikit ako at pilit na inaalala ang nangyari kagabi.
*flashback*
"Isaac, my loves!" ani ko habang hinawakan ang magkabilaang pisnge ng taong bumuhat sa akin. I saw him rolled his eyes and put me down on the bed.
"Kailan mo ba ako sasagutin?!" naiinis na tanong ko sa kaniya at kumunot naman ang noo niya.
"What the fuck are you talking about?" binitawan na niya ako at tumayo ng maayos. Bumuntong-hininga siya at akmang aalis pero agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila siya ulit papunta sa akin.
"Alam mo naman ng gusto kita diba?! Matagal na din kaya kitang nililigawan! Hmp!" umupo siya sa kama sa tabi ko at inalis ang hibla ng buhok kong nakaharang sa mukha ko.
"Hindi dapat ikaw ang nanliligaw." marahang sabi niya. Pinalo ko ang kamay niya at umiling sa kaniya habang naka-nguso.
"Eh bakit ba?! Gusto nga kita eh!" bumungtong-hininga ulit siya at muling tumayo kaya napabaling ako sa kaniya.
"Just sleep and we will talk tomorrow." aniya at tumalikod na sa akin.
"Sandali-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman kong parang may nakabara sa lalamunan ko at pilit na lumalabas. Lumingon din sa akin si Isaac.
"What's wrong?"
"N-nasusuka ak-" tuluyan na akong nasuka. I heard him cursed under his breath and walk closer to me. Pinagsiklop niya ang buhok ko at hinahagod ang likod ko habang sumusuka ako sa gilid ng kama niya.
"Fuck this life." narinig kong ibinulong niya sa sarili niya.
Nang matapos akong magsuka ay humiga ako sa kama. Naramdaman ko naman siya umalis at pumasok sa isang pintuan. Maya-maya ay bumalik siya at may dalang isang bowl at bimpo. May tinawagan din siya sa phone niya at lumapit sa akin.
Naramdaman ko ang pagdampi ng basang bimpo sa mukha ko hanggang sa mga braso ko.
"You need to take off your clothes." aniya at umiwas ng tingin sa akin.
"Bakit? Mag-se-sex tayo?"
Mabilis siyang bumaling sa akin at masama ang tingin.
YOU ARE READING
Bullet in the Heart (Tyrant Series #2)
RomanceRae Alexandria, a woman deeply in love with Isaac Lyndon, a man shrouded in mystery. Their passionate relationship seems perfect until Rae stumbles upon a hidden truth about Isaac that could change everything. As Rae delves into Isaac's secret, she...