CHAPTER 42: BREAKDOWN

203 14 2
                                    

ANNIESYA POINT OF VIEW


"Sana ganito kapayapa ang mundo natin." narinig kong mahinang usal ni Cold. Marami ang nagulat dahil ngayon lang ulit nagsalita si Cold.

"Sana nga!" Nagulat ang mga ito sa pags-agree ko sa sinabi ni Cold. Nang makabawi ang lahat ay dali-daling tumayo ang mga babae syempre maliban kay Flamerous of course na palaging KJ at cold.

"AANNNIIIEESYAA!" sigaw ng tatlong babae si Nathalie, Aira at Aqua saka ako dinamba ng yakap. Kaya sinuklian ko din ang mga ito ng yakap.

Nag-iiyakan na sila Nathalie habang nakadamba sa akin ng yakap.

"H-hindi ako ma-kahin-ga guys."
Agad naman silang bumitaw sa akin.

"Sorry!" sabi nila sabay peace sign. Inirapan ko lang ang mga ito.

"Girls tama na yan. Si lover boy naman kanina pa yan 'di mapakali sa pag-aalala kay Anniesya." nang-aasar na sabi ni Airro kaya tumabi sila at lumapit naman sa akin si Red na walang ekspresyon ang mukha.

Bawat hakbang na ginagawa ni Red ay kinakabahan ako, hindi ko alam kong bakit dahil siguro hindi ko sinabi sa kan'ya ang plano ko. Nang makalapit na siya sa akin agad ako nitong kinabig papunta sa mga bisig nito.

"You make me worry so much. Don't do it again." sabi nito habang nakakulong parin ako sa bisig niya.

Napatili naman ang mga kaibigan naming mga babae at napasipol naman ang mga lalaki.

"Da moves ni lover boy witwew!"

"Ang sweet! sana oil!"


"Sana lahat!"

Kanya-kanya nilang komento habang ako naman dito ay pulang-pula na dahil sa kahihiyan. Mas lalo akong sumiksik sa dibdib ni Red para itago ang namumula kong mukha.

"Stop it guys, she's shy." nakangising sabi nito tila inaasar ako kaya mahinang sinuntok ko ito sa dibdib.

"Awww! baby it's hurt." arte nito kaya kumalas ako sa yakap at inirapan ito.

"Tara guys iwan muna natin ang lovebirds. Baka kasi nakakaistorbo na tayo." may nakakalokong ngisi sa labi na sabi ni Nathalie at umalis na kasama ang iba pa.

Nang maiwan kaming dalawa ni Red sa harap ng gate ay kinabig ulit ako nito papunta sa kan'yang bisig.

"Please don't do it again baby, you make me worry so much." sabi nito at mararamdaman mo talaga ang pag-aalala sa boses niya.

I sighed.

"If I given another chance to do it again I would do it million times. Ako ang mag-liligtas sa kanila dahil ako ang prinsesa. At tungkulin ko yon." saad ko rito.

"Fine! just let us know if there is something on your mind. Kasama mo kami sa laban na ito." pagsuko nito. Tinanguan ko ito at niyakap ito ng mahigpit.

Kumalas ito sa yakap at hinawakan ang mga kamay ko.

"I love you... Anniesya." natahimik ako sa sinabi niya hindi ko alam kong ano ang sasabihin sa kan'ya. He sighed.

"Alam kong 'di mo pa masasagot ang pagmamahal ko at kaya kong pagtiisan ang maghihintay sa iyong matamis na pagmamahal." Nakangiting sabi nito pero hindi nakatakas sa akin ang bumalatay na sakit sa mga mata niya.

"I'm sorry." Nakayukong sabi ko. Inangat nito ang ulo ko at nakangiting umiling ito.

"You don't need to say sorry baby. I'll wait for you to love me." sabi nito. I feel guilty. Alam ko kasing nasasaktan din ito pero hindi nito sinasabi ngunit kitang-kita sa mga mata nito.

Natahimik kaming dalawa ngunit nabasag ito ng mag-salita si Red na kanina pa tahimik at mukhang may malalim na iniisip.

"I think I'll go ahead first." sabi nito at bago pa man ako makapag-salita ay nakaalis na ito. And it leaves me feels like hanging.

Nagpalipas muna ako ng ilang minuto bago umalis doon at pumunta sa clinic para bisitahin sila mommy Melissa and daddy Noel. Nang makarating ako sa clinic naabutan ko doon si Nurse Bell, ang isa sa mga nagbabantay na nurse dito dahil palagi akong suki dito dati. At palaging si Nurse Bell din ang gumagamot sa akin dati.

"Hi Nurse Bell, how are you?" bati ko dito. Nginitian ako nito at yumuko.

"Okay lang po ako Prinsesa Anniesya." sabi nito.

"Good. By the way, na saan sila mommy Melissa?" tanong ko rito.

"Nasa kaliwa ang pinakahuling kwarto po mahal na prinsesa." sagot naman niya. Tumango ako at nginitian ito.

Lumiko na ako pakaliwa at pumunta sa harap ng pinakahuling kwarto. Kumatok ako ng tatlong beses bago ito binuksan at pumasok.

Bumungad sa akin si mommy at daddy na parehong nakahiga sa hospital bed. Napalingon sila sa akin ng binuksan ko ang pinto. Ngumiti sila ng makitang pumasok ako.

"Anniesya, anak!" sabi ni mommy sabay lahad sa akin ng kamay niya tila pinapalapit ako nito sa kan'ya.

Walang pag-aalinlangan ko naman itong tinanggap at niyakap siya ng mahigpit ganon din ang ginawa ko kay daddy.

"I missed you guys." sabi ko at tumakas naman ang ilang butil ng luha sa mga mata ko.

"Akala namin hindi ka na namin makikita ng daddy mo." sabi naman ni mommy habang hinahaplos ang likod ko. Naramdaman ko namang tumango si daddy na tila sang-ayon sa sinabi ni mommy.

Kumalas ako sa yakapan namin maalala ko ang dalawa pang taong importante sa akin.

"Nasa'n sila Ate Mina at Kuya Tony? Hindi ko sila nakita kanina sa mga bihag niyong kasama." tanong ko sa kanila. Umiwas ito ng mga tingin at napayuko.

Biglang nagsituluan ang mga luha dahil sa pag-iwas nila sa tanong ko.

"Don't t-tel-l me, th-ey're g-gone?" nauutal kong tanong sakanila na s'yang nagpayuko pa sa kanila lalo.

Unti-unti akong napaluhod kaya inagapan agad ito ni daddy.

"Shhh! Sweetie, please don't cry. It's also hard for us to see them dying in front of us." sabi ni daddy habang hinahagod ang likod ko.

"What happened?" tanong ko.

"Noong araw na umuwi kami ng mommy mo galing business trip naabutan namin ng mommy mo sila Ate Mina mo na nag-aagaw buhay na dahil marami ng dugong nawala sakanila. We tried to save them but... it's too late. Dumating na ang mga dark ginawa namin ang lahat pero wala ding nangyari nakuha pa rin kami ng mommy mo." kwento ni daddy.

Hindi ko maiwasang lumuha sa mga nangyari sa mga taong malalapit sa akin. Dahil sa akin nawala sila at nangyayari ito.

"I'm s-sorry." turan ko at napayuko. "You don't have to say sorry. It's not your fault sweetie." Napa-iling ako.

"N-no. It's my fault. It's all my fault!" sabi ko at napasuntok na lang ako sa sahig kong saan ako nakaluhod. Naririnig ko na ring umiiyak din si mommy.

Mahigpit akong niyakap ni daddy at naramdaman ko rin ang yakap ni mommy.

"Hindi mo to kasalanan anak, at mas lalong wala kang kasalanan sa mga nangyayari. Kasalanan ito ng sakim na si Danoss." sabi ni mommy.

Napa-iling na lang ako at unti-unti ng bumigat ang takulap ng mata ko dahil sa sobrang pag-iyak ko.

*blackout*

Elemental Academy: The Long Lost Princess of Elementia Kingdomia (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon