CHAPTER 18: MEETING

224 8 0
                                    

A/N: I accidentally DELETED my story so I want to say sorry for the inconvience. Please read and enjoy.

#REPOSTED

_________________
__________

HM POINT OF VIEW

Matapos ang naganap sa arena pinabalik ko na ang mga estudyante sakanilang mga dormitoryo at sumunod sa Conference Room dahil nandun ang mga pinuno ng mga bawat kaharian upang pag-usapan ang nangyari kanina.

Pagdating ko sa Conference Room agad nagsalita ang reyna ng Elementia Kingdomia.

"Who is she?"tanong nito at alam namin na si Anniesya ang tinutukoy niya.

"Siya ay aking pamangkin mahal na reyna."turan ni Thally ang reyna ng Attizar Kingdom.

Kumunot ang noo ng reyna.

"Pamangkin?kelan pa?"naguguluhang tanong ni Queen Veverly.

"Anak siya ng Kapatid kong  si Kuya Noel."sabi ni Thally

Tumango lang ito at muling sumeryoso ang mukha.

"Mukhang malaki ang pag-asa natin na manalo sa gaganaping digmaan."sabi nito na siyang nagpatahimik sa mga nandito.

"Ngunit di pa tayo sigurado dyan lalo pa't di pa nakikita ang iyong anak Veverly."sabi naman ni Aicell

"Tama ang sinabi ni Aicell,Vev kailangan parin natin ang iyong anak para manalo sa darating na digmaan."sang-ayon naman ni Vedeth.

"Wag kayong mag-alala,ipinapahanap ko na ito sa aking mga kawal sa mundo ng mga tao,lalo pa't dun ko siya ipinadala sa aking pinagkakatiwalaang tagapagsilbi."sabi nito.

"Kung ganon wala na tayong kailangan intindihin kundi paghahanap na lang sa prinsesang nawawala."sabi ni Jonathan.

Sumang-ayon ang iba.

"Hindi lahat ay i-aatang natin sa balikat ng aking anak.Kaya HM siguraduhin mong may Training ang mga bata dito lalo na ng Royalties at Ang batang yun dahil malaking tulong siya sa digmaan."sabi nito kaya tumango lang ako saka ito naglaho kasama ang kanyang asawa na kanina pa walang imik.

Nagsitayo na rin ang iba at nagpaalam.

"Mauna na rin kami Alex."sabi ni  Thally sabay beso sakin at biglang naglaho kasama ang asawa ganun din ang iba.

Nang maiwan akong mag-isa ay ang siya ring pagpasok ni Joy ang babaeng pakakasalan ko.

"Love tapos na ang meeting niyo?"tanong nito

"Yeah."tugon ko.lumapit ito at niyakap ako kaya tinugon ko ito at hinalikan ito sa noo.

(A/N: sana all!!🤧)

"Anong pinag-usapan niyo?"

"Tungkol sa digmaan at kay Anniesya."sabi ko

"Bakit naman nasali sa usapan ang batang yun?"

"I dont know but the queen told us that Anniesya is a big help for incoming war."
sabi ko

"Alam kong malakas ang batang yun dahil,unang kita ko palang sa batang yun marami na agad siyang pagdadaanan na hirap at alam kong malalagpasan niya ito."sabi ni Joy

"Sana nga.....sana ngang malagpasan niya ang mga hamong darating pa sa buhay niya."sabi ko at muling niyakap ito.

sana nga.......

NATHALIE POINT OF VIEW

Sinugod namin si Anniesya sa clinic ng pinatulog siya ni Red habang ang mga magulang naman namin ay naiwan kasama si HM at ang mga estudyante.

Pagdating namin sa clinic agad nilang inasikaso si Anniesya para bigyan ng paunang lunas dahil sa mga natamong galos at sugat nito.Matapos pagalingin ng mga healer ang sugat at galos ni Anniesya ay agad itong nagsi-alis.

Kanya-kanya naman kami ng upo para bantayan si Anniesyana ng biglang tumayo si Aira kasama si Aquil at nagpaalam na bibili lang sila ng makakain....Di na ako magugulat kong isang araw ang dalawang yun ay maging mag-jowa na,kung maasaran kasi parang silang dalawa lang ang tao.

Tahimik kaming nakaupo ng basagin ko ang katahimikan.

"She's so strong!"sambit ko habang nakatingin sa payapang natutulog na si Anniesya.

"Tito Noel is strong too...also tita Melissa she's a great witch in their time."sabi ni Nate

"Pero kung ang parents niya ay isang witch at elemental holder bakit wala siyang namana man lang sa parents niya."sabi ni Aira.

"Baka naman ampon lang siya."pabirong sabi ni Airro

"G*go!!wag mong sabihin yan."sabi ko
"At kung may mga tanong tayo sila tita at tito lang yun."dagdag ko pa.

"Speaking of them..where are they?alam na ba nila ang nangyari kay Anniesya."Red ask

"Di ko pa alam."sagot ko dito.

Lumipas ang ilang segundo ay natahimik kaming nakabantay lang kay Anniesya kong sakaling magising man ito.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"M-mahal na hari"utal na tawag ng isang kawal sa lalaking nakaupo sa isang upuan o trono na kanyang tinawag na 'hari'.

Nilingon ito ng 'hari'

"Ano?" tanong nito na may nakakatakot na boses.

"May nakalap po akong impormasyon sa Academy."

"Ano iyon?"tanong ng hari.

"Sa naganap na duel battle sa Academy kanina ay may nakapagpalabas ng malakas na enerhiya at nasisigurado kong isa siya na ipapantapat sa darating na digmaan."turan ng kawal.

"Maganda ang iyong balita kawal at gusto kong magkalap ka ng impormasyon tungkol sa batang yun dahil maari rin natin siyang magamit sa dadating na digmaan."sabi ng hari

"Masusunod po ang iyong nais mahal na hari."sabi nito at yumuko ang kawal bilang respeto at umalis na para magkalap ng impormasyon.

Habang naiwan ang haring may ngising nakakatakot at umiinom ng isang alak sa isang gintong kupeta.

'Matagal na rin na panahon akong nagpahinga at ngayon ang oras para malaman ng lahat na ako ay nagbalik na para sakupin ulit ang buong Elemental World' sabi nito sa kanyang isip sabay tawa ng nakakatakot.

"KAWAL!!" tawag nito.

"Ano po yun mahal na hari?"

"Gusto ay pumunta kayo sa mga bayan ng Iba't-ibang kaharian upang manggulo at ipakalat na ako ay nagbabalik nang muli...hahahahaha!!"sabi nito sabay tawa ng nakakakilabot.

"Masusunod po mahal na hari."sabi nito at nagpaalam na.

"Alfred!!"tawag niya sa kanang kamay niya
kaya agad itong lumapit sakanya

"Handa na ba ang ating pekeng prinsesa?"

"Handa na po siya mahal na hari."sabi nito

"Kung ganon ay simulan na natin ang laro."nakangising turan nito.

"Sige po mahal na hari"sabi nito sabay yuko at umalis.

"Maglalaro tayo mga hangal na Light magician at ang larong ito ay tinatawag na 'Lets find out' hahahaha"sabi nito sabay tawa na parang wala ng bukas.

_________________
________

A/N: I accidentally DELETED my story so I want to say sorry for the inconvience. Please read and enjoy. Vote and comment before you leave this chapter.

Elemental Academy: The Long Lost Princess of Elementia Kingdomia (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon