ANNIESYA P. O. V
IT'S been week simula ng makauwi na kami galing sa misyon para kunin ang Lotus Flower at ngayon ay muli ng nakakakita si Nathalie and we're happy for that. Bumalik na ang dating Nathalie the tough one hindi tulad noong nasa palasyo nila kami ang Nathalie malayo ang tingin. Ngayon balik na siya sa pakikipag-bangayan kay Airro.
Nandito ako ngayon sa aming palasyo at maya- maya lang ay susunduin ako ni Red para sabay na kaming pumunta sa academy. Umuwi kasi siya sakanila para bisitahin ang mga magulang niya dahil nagtatampo na raw ito sa kanila ng kakambal niya.
Habang nag- aayos ako ng aking buhok ay may kumatok.
"Pasok!" sigaw ko habang inaayos parin ang buhok at tinitingnan ang aking repleksyon sa salamin.
Bumukas ang pinto at pumasok sila mama at papa habang nakangiti.
"You're so beautiful, anak." turan ni papa habang nakatingin saakin. Nginitian ko sila.
"Syempre mana sa inyo e." sabi ko naman. Natawa ang mga ito at niyakap ako. Bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Ric.
"Hindi ba ako kasali d'yan?" nakangiting tanong nito.
"Come here son!"
"No! pangit is not allowed here!" biro ko. Kuya Ric just pout and it's disgusting.
"Yuck! Don't pout kuya, it's eww!" sabi ko.
"Aaahh ganon huh? Eww pala huh? Ito sayo!" sabay sugod sa akin at binuhat ako at patapon akong hinagis sa kama ko sabay kiliti sa akin.
"Aaahh s- stop it! Aaahh hahaha mom... d-ad h-help me! hahaha!"
Natawa lang ang mga ito sa kakulitan ni kuya habang nakangiting pinagmamasdan kaming dalawa ni kuya na nagkikilitian.
"Ewww pala huh?" at mas kiniliti pa ako kaya para akong bulateng binudburan ng asin.
Ilang minuto kaming ganon hanggang napagod si Kuya Ric at nahiga sa kama ko. Umupo sila mom sa dulo ng kama ko.
"Anak may lead ka na ba kung saan tinatago ni Danoss ang mommy at daddy mo?" tanong ni mama. Speaking of them, I miss them so much.
Umupo ako sa kama at ganon din ang ginawa ni Kuya Ric.
"Don't worry mama ako na ang bahalang hanapin sila." sabi ko sakanila at ngumiti. Soon mahahanap ko sila.
*tok* *tok* *tok*
"Pasok!" bumukas ang pinto at bumungad sa ang isang katulong.
Yumuko ito upang mag- bigay ng galang. " Mahal na Prinsesa nasa baba na po si Prinsipe Red ng Fuego Kingdom." sabi nito.
Tumango ako at nginitian ito.
"Pakisabing pababa na ako." sabi at tumayo para muling mag- ayos.
Matapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa aking silid, nauna na kasi sa baba sila mama.
Pag- dating ko sa sala nandoon na sila mama, papa, kuya kasama si Red naguusap-usap sila.Naagaw ko ang pansin nila ng pumasok ako sa sala. Tumayo si Red ng makita ako.
"Are you ready?" tanong nito.
"Yes, tara na. Mom, dad, kuya una na po kami." paalam ko sa kanila sabay kapit sa braso ni Red.
"Okay! Ingat ka sweetheart." mom said and kiss my forehead, ganon din ang ginawa ni dad.
BINABASA MO ANG
Elemental Academy: The Long Lost Princess of Elementia Kingdomia (On-Going)
FantasyShe's the one She's the chosen one She's the savior She's the most Powerful The Legend who'll save them all The Long Lost Princess Of Elementia Kingdomia Book Cover by: eyessaC ©rainekai08