CHAPTER 26: BLACK CLOAK GUY

191 7 0
                                    


A/N: I accidentally DELETED my story so I want to say sorry for the inconvience. Please read and enjoy.

#REPOSTED

________________
________

NATHALIE POINT OF VIEW

Tahimik lang ako sa mesa namin habang nag uusap-usap sila pati sila pinsan at si Alberic. At maya-maya lang mga 11:45 inaya ni Alberic si Anniesya na lumabas,di na sila nagpaalam kasi  walang may pumansin sakanila.

Sinundan ko sila ng tingin palabas.Ang close nila mas makikita mo ang bond ng pagiging kambal sakanilang dalawa na di mo makikita kay Amaglorr the BITCH!

Nang makalabas sila. Nadako ang tingin ko kay Red nakakuyom ang kamao at madilim ang mukha at aura.Hahaha cge lang Red magpakabulag ka lang at mawawala sayo ng tuluyan ang pinsan ko.Dumako ang tingin nito saakin kaya binigyan ko lang siya ng isang ngisi tsaka ininom ang juice na nasa harapan ko.

Mga 10 minutes siguro bumalik si Alberic pero di kasama si Anniesya kaya kinabahan ako bigla.

"Nasaan siya?" tanong ko ng makalapit ito sa mesa namin.

"Nasa garden..susunod na lang daw siya." sagot nito.

"Bat mo siya iniwan dun."

"Inay--" naputol ang sasabihin nito ng may sumabat na malaking BRUHA!!

"Baka may kakatagpuin...you know traydor?...or dark mage." Aba't talagang sinasagad ako ng babaeng toh ha.Di ko talaga gusto ang lumalabas sa mabahong bibig nito.

Tumayo ako at handa ng sumugod ng pigilan ako ni Alberic at Airro pero nagpupumiglas ako.Habang ang bruha ay pinipigilan ni Red.

"Hoyyy!! Magdahan-dahan ka sa pananalita mo...pinsan ko ang sinasabihan mo ng masama.Pag ako di makapagpigil sayong bruha ka didikdikin ko yang maliit mong utak at ipapalsak ko sa mabaho mong bibig!" sigaw ko at alam kong nakuha namin ang atensyon ng lahat pati ang sila tita Veverly at tito Alejandro.

"I'm just saying what's in my head." galit na sabi nito.

"Aayyy!! may ulo ka pala??" pang uuyam ko rito.Kaya mas lalo itong nagpursige na pumiglas sa hawak ni Red.

"Enough! Nathalie!" sabi ni Red kaya napatawa na lang ako.

"Hahaha cge lang Red pakatanga ka lang." nang-uuyam kong sabi rito.

"Ano bang problema mo Nathalie?" inis na tanong nito.

"Bakit ko naman sasabihin.Its for me to know and its for you to find out." sabi ko rito kaya dumilim ang mukha nito.

"What's going on here?" malumanay pero bakas ang otoridad sa boses nito.Tita Veverly

"Mommy she insult me." sabi nito sabay yapos kay tita habang nakaturo saakin.Parang bata

"Formal Amaglorr.Your acting like a child."seryosong sabi nito kay bruha kaya napatawa na lang ako sa isipan ko.
"What's going on here Nathalie??" dagdag nito kaya bumalik ang kulo ng dugo ko sa bruha.

"Well Tita that girl beside you" sabay turo kay Amaglorr na nakatayo sa gilid ni tita."She's accusing my innocent cousin as a traitor.You know kung sino ang mga magulang ng pinsan ko tita, they're respected and good too.They never betrayed us,Naging magaling na pinuno ang mga magulang ng pinsan ko.Kaya walang karapatang ang babaeng yan na sabihing traydor ang pinsan ko o maging sino man sainyo.Kaya kong gawin ang sinabi ko..kilala niyo ako." sabi ko at akmang aalis na sana ng mapapikit ako sandali and images flash like 20x forward sa sobrang bilis.Katapos ng mga images may naramdaman kaming malakas na enerhiya at nakarinig rin kami ng malakas na sigaw.

Elemental Academy: The Long Lost Princess of Elementia Kingdomia (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon