THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Bumalik na si Anniesya sa kweba kung saan siya nagtago kanina dahil alam niyang ilang sandali na lang ay malalaman na sa loob ng palasyo na nakatakas na ang mga nakabilanggo.
At alam din ng dalaga na ilang oras na lang ay mahahanap na ng mga ito ang kwebang pinagtataguan ng mga taong iniligtas niya.
Nagmamadaling pinuntahan ni Anniesya ang kweba. Pag-dating ng dalaga sa harapan ng kweba naalerto ang mga nasa loob.
"Sino ang ka?" tanong ng boses sa loob. At si Noel iyon.
"It's me dad." sabi ng dalaga at tuluyan ng pumasok sa loob ng kweba.
"Anniesya, anak!" tawag naman ni Melissa sa anak at patakbong niyakap ang dalaga.
"We need to go now. Matutunton na nila tayo ilang sandali na lang." sabi ng dalaga habang umalis sa yakap ng mom niya.
"Pumunta ang lahat sa likod ko. Gagawa ako ng portal papunta sa academy para mapadali tayo papunta ro'n." sabi ng dalaga at pumwesto para bumigkas ng spell.
"A great power from my ancestors I Princess Anniesya asking for portal way back to academy." turan ng dalaga at may lumabas na isang itim na bilog sa harapan ng dalaga.
"Pumasok na kayo, dalian niyo at ano mang oras ay papunta na rito ang mga dark." sabi ng dalaga.
"Maraming salamat iha. Hulog ka ng langit sa amin." ani ng isang babaeng nasa kaedaran nila Melissa at Noel.
Ngumiti ang dalaga at ngumiti sa babae. "Responsibilidad ko po kayo at gusto ko kayong tulungan dahil alam kong naghihirap kayo rito at alam kong may mga pamilya rin kayong nag-hihintay sa'nyo." sabi ng dalaga.
May lumapit naman na bata sa dalaga at hinawakan ang laylayan ng damit nito. Madungis ang bata at marami itong pasa at galos sa katawan.
"S-salamat po a-te." umiiyak na sabi ng bata. Lumuhod ang dalaga upang pumantay sa bata at hinaplos ang ulo.
"Everything is going to be fine. Makakauwi ka na sa inyo." sabi ng dalaga at nginitian ang bata. Inanalayan ng dalaga ang bata patungo sa portal.
"Pumasok ka na bata, mayroon nag-hihintay sa inyo do'n." saka pinapasok ng dalaga ang bata sa portal.
Hinarap ng dalaga ang mga magulang na nag-alaga sa kan'ya at nginitian ang mga ito.
"Pumasok na kayo mom at dad." sabi ng dalaga sa mga magulang.
"Hindi ka ba sasama sa amin?" tanong ni Melissa kay Anniesya.
"Mauna na kayo do'n. Susunod ako may susuprisahin lang ako." sabi ng dalaga at ngumisi ng nakakatakot.
"Mag-iingat ka anak. Alam naman natin kong gaano kasama ang budhi ni Danoss." sabi ni Noel sa dalaga.
Tumango ang dalaga at niyakap ang mga magulang bago ito pinapasok sa portal.
Habang sa loob ng palasyo ay nangangalaiti si King Danoss dahil nakatakas ang mga bihag.
"MGA INUTIL! PAANO TAYO NATAKASAN NG MGA HAMPAS LUPANG MGA BIHAG NA 'YON!" nangangalaiting sigaw ng haring si Danoss sa mga bantay ng palasyo.
"MGA WALANG SILBI!" dagdag na ng hari. Kaya napayuko ang mga bantay at wala ni isa sa kanila ang gustong salubungin ang mga nagbabagang mga mata nito at magsalita o kaya ay kumilos dahil baka pagkumilos sila ay bigla na lang silang bumulagta sa sahig.
"ANO PA ANG GINAGAWA NIYO DITO MGA ESTUPIDO! Hanapin niyo ang mga ito sa paligid at ipiit ang mga 'yon. Kung manglalaban ay patayin ang mga ito." galit na sabi ni Haring Danoss. Agad namang nagsikilos ang mga tauhan ng hari para libutin ang paligid ng palasyo.
BINABASA MO ANG
Elemental Academy: The Long Lost Princess of Elementia Kingdomia (On-Going)
FantastikShe's the one She's the chosen one She's the savior She's the most Powerful The Legend who'll save them all The Long Lost Princess Of Elementia Kingdomia Book Cover by: eyessaC ©rainekai08