SPECIAL CHAPTER

248 6 0
                                    


                 SPECIAL CHAPTER

    Unang kita palang ni Red kay Anniesya ng una niya itong masilayan ay agad siyang napahanga sa kagandahan ng dalaga ngunit hindi niya lang ito pinahalata sa mga kasama niya. Ito ang kan'yang unang pag-kakataon na magandahan sa isang dalaga o sa babae. Aaminin niyang marami siyang kilalang mga babaeng magaganda ngunit hindi tulad sa ganda na tagi9lay ng dalaga. Kita ni Red nailang sa kan'ya ang dalaga dahil sa cold presence na kumakawala sa kan'ya.

      Nag-karoon sila ng misyon at kasama si Anniesya. Noong una ay gusto niyang tumutol sa headmaster nila dahil delikado ito para sa dalaga lalo na't ito ang una nitong sabak sa misyon. Ngunit wala na siyang magawa ng mag desisyon na ang headmaster nila.

     Makalipas ang mga buwan ang royalties at si Anniesya ay mas lalong naging mas closed sa isn't-isa. Si Red naman at Anniesya ay may namamagitan sa kanila at napapansin iyon ng lahat lalo na ng mga kaibigan nila. Ngunit hindi rin nag-tagal ang umuusbong na pag-iibigan nila Red at Anniesya dahil ang nakatakdang mapapangasawa ni Red na si Amaglorr ang nawawalang prinsesa ng ELEMENTIA Kingdomia.

     Sa pag-dating ni Amaglorr naging kontra bida si Anniesya sa mata ng lahat pati sa mata ng mga kaibigan niya. Pinag-hinalaan rin siyang isang traydor. Halos lahat ay napaniwala ni Amaglorr maliban na lang sa sarili nitong kapatid na si Alberic sina Airro at Nathalie. Silang tatlo lang ang naniniwala sa dalaga dahil ang lahat ng mga kaibigan nila ay naniniwala na traydor siya.

     Ang lahat ay nagsisi ng isang araw si Anniesya ay bigla na lang hindi nag pa kita. Doon rin napag-tanto ng mga royalties na pina-ikot lang sila ni Amaglorr tungkol sa mga kasinungalingan nitong pinag-sasabi tungkol kay Anniesya. Lumabas rin ang totoong pag-uugali nito na masyadong itong possessive at aggressive lahat na lang ng tumitingin kay Red ay ginagamitan niya ng kanyang kapangyarihan. Kahit mga simpleng tingin lang ay matatakot ka na tumingin sa deriksyon ng mga royalties.

      Makalipas ang dalawang buwan na pagkawala ni Anniesya ay bumalik rin ito iba na ito sa dating Anniesya na kilala ng lahat. Nag-bago ang lahat sa dalaga ugali at pisikal nitong kaanyuan. Meron na rin itong bagong mga kaibigan na siyang pinag-sisihan ng mga royalties ang lahat ay nag-sisi sa ginawa nila kay Anniesya. Sumisikip ang dibdib ni Red sa selos kay Klent ang lalaking kanya ring pinag selosan habang nasa misyon sila sa Feliz Pueblo noon. Na-iingit siya dahil ang tawag ng binatang si Klent sa dalaga ay 'babe'. Napapakuyom na lang ng kamo ang binatang. Iniisip ng binata na huli na siya sa dalaga ngunit hindi nito alam na sadya siyang pinagseselos ni Klent para makita nito kong mahal pa ba nito ang dalaga.

     Sa muling pag-balik ng dalaga ay unti-unti niya ring nililigpit ang peste sa buhay yun ay si Amaglorr. Unti-unti niyang ilinalabas ang tunay na pag katao ni Amaglorr. At sa wakas ay nalaman rin ng lahat na si Amaglorr ay isang peke at ito ang prinsesa ng Dark Kingdom. At nalaman rin ng lahat na siya ang nawawalang prinsesa ng Elementia Kingdomia. Ang lahat ay masaya dahil sa wakas ay bumalik na ang totoong taga pagligtas nila.

    Unti-unti a ring bumalik ang sigla ng mga esatudyante sa akademya lalo na't nandyan na ang kanilang taga pagligtas. Sa unti-unting pag-ayos ng akademya ay unti-unti ring kinukuha ulit ang loob ni Anniesya ng mga kaibigan niya lalo na si Red. Sa nakalipas na buwan ang kaayusan sa Elementia Kingdomia ay unti-unti ring nasisira dahil sa papalapit na gyera na ayon sa libro ng propesiya.

     Ang lahat ay nag hahanda sa parating na gyera. May iba na takot man lumaban ay ginagawa nilang maging matapang dahil gusto nilang mabuhay at alam nilang nandyan ang prinsesa nila para iligtas sila. Nang mag simula ang ang gyera ay naging madugo agad ito. Marami ang sugatan at marami na ring nadadaanan si Anniesya na mga bangkay. Lahat ng mga nakakaharap na mga kalaban ni Anniesya ay kanyang pinapatay.

Elemental Academy: The Long Lost Princess of Elementia Kingdomia (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon