THIRD PERSON POINT OF VIEW
Nasa isang kwarto si Anniesya sa clinic dito siya dinala matapos itong mag-breakdown dahil sa sobrang emosyon na nadarama nito. Nasa tabi nito ang binatang si Red habang pinagmamasdan ang dalagang natutulog.
Hinahaplos-haplos ni Red ang buhok ng dalaga habang pinagmamasdan itong mahimbing na natutulog. Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon ang mga magulang ng dalaga ang hari at reyna.
Tumayo si Red nagbigay galang sa mga magulang ng dalaga.
"Hindi parin ba siya gumigising iho?" tanong ni Veverly kay Red.
"Kailangan na niyang gumising dahil marami ng nabibiktima ang mga taga dark. Siya ang pag-asa nating makakapuksa sa mga kalaban." sabi naman ni Alejandro habang nakatingin sa anak na natutulog.
"Ang mga pinadala po nating kawal sa mga bawat bayan?" tanong ni Red.
"Sadly, they're all dead." sagot ng reyna sa binata.
"Marami na ring mga estudyanteng pumiling umuwi sa kanya-kanya nilang tahanan at lugar para makatulong sa kanila." sabi ng hari.
"In total only 1000 students from senior high school and junior high school are willing to fight. Plus the professor. And every kingdoms knight and great fighters. Also our allies." sabi ng reyna. Napatango ang binata at muling pinagmasdan ang dalagang mahimbing na natutulog.
Napangiti ang mag-asawa sa nakikitang pagmamahal sa mata ng binata para sa kanilang anak.
"Mauna na kami iho, marami pa kaming gagawin." tumayo ang binata at nagbigay galang sa mag-asawa.
Naunang lumabas ang reyna at bago sumunod ang hari may sinabi muna ito sa binata.
"Huwag mo masyadong titigan ang anak ko at baka matunaw." sabay tapik sa balikat ng binata at umalis na.
Napatulala naman ang binata ngunit saglit lang makarinig siya ng ungol sa likod niya. Gising na ang dalaga. Lumapit ang binata rito at agad na dinaluhan ang dalagang sinusubukang bumangon. Dahan-dahang inalalayan ni Red si Anniesya para makaupo.
"How are you? did you need anything?" tanong ng binata.
"Water please."
Madaling kumuha ng tubig si Red at pinainom ang dalaga.
"Gusto mo bang kumain?" tanong ulit ni Red sa dalaga ngunit umiling lang si Anniesya.
Tahimik lang ang dalaga habang matiim siyang tinititigan ni Red. Alam kasi nitong nag-aalala ito sakan'ya. Nginitian ng dalaga ang binata kaya napabuntong hininga ito at marahang hinahaplos ang mga palad ng dalaga.
"You make me worried to death. Akala ko kong ano na ang nangyari sayo." sabi ng binata habang pinaglalaruan ang kamay ni Anniesya.
"I'm sorry kung napag-alala kita." sabi ng dalaga habang hinahaplos ang mukha ng binata.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Red kahit alam na nito ang nangyari gusto niya lang marinig ito mismo galing sa bibig ng dalaga.
"Too much emotion. Hindi ko man lang nailigtas ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Because of those f*ckers they died protecting me and my foster parents." turan ng dalaga at unti-unting nagsilandasan ang mga luha nito sa kan'ya pisngi.
Muling pumasok sa alaala ng dalaga ang huling pagkakasama nila ng kan'yang ate Mina at kuya Tony ang mga taong tumatayong magulang niya pag-wala ang kan'yang mga foster parents.
"They died without justice!" mariing turan ng dalaga kaya niyakap na lang siya ng binata habang marahang hinahaplos ang likod nito.
"Konting tiis na lang makukuha mo na ang hustisya para sa mga taong nawalang mahalaga sayo." sabi naman ni Red.
BINABASA MO ANG
Elemental Academy: The Long Lost Princess of Elementia Kingdomia (On-Going)
FantasyShe's the one She's the chosen one She's the savior She's the most Powerful The Legend who'll save them all The Long Lost Princess Of Elementia Kingdomia Book Cover by: eyessaC ©rainekai08