Chapter 1

3.5K 85 2
                                    

Third Person's POV

kasalukuyang nagpapatuyo ng buhok si Sabrina ng kumatok sa pintuan ng kanyang silid ang kanyang kasambahay na si Jorie. "Miss Sabrina, nakahanda na po ang inyong agahan".

"Okay po, bababa nalang po ako pagkatapos kong mag-ayos." Tumango lamang ang katulong at isinara muli ang pintuan.

Ipinagpatuloy ni Sabrina ang pag-aayos ng buhok at pagkatapos ay bumaba na rin ito.

"Good morning, bakla!" Salubong ng isa nyang kaibigan pagkababa nya mula sakanyang silid."Anong ginagawa nyo dito?" gulat na tanong nito sa kaibigan.

Tumaas ang kilay nito "Wala manlang "Good morning?" Sya si Pyra Garcia, 20. Sya ang tumatayong "Ate" sakanilang magkakaibigan dahil sya ang pinaka-matanda sakanila ng ilang buwan. Single dahil hindi pa nakakamove-on sa ex.

"Masanay na kayo" Sabi naman ng isa pa nitong kaibigan habang naka-taas ang dalawang paa sa lamesa. Sya naman si Ruth Santiago, 19. Ang boyish sakanilang magkakaibigan, NBSB.

Tumayo at lumapit naman ang isa pa nitong kaibigan"Good morning din! Ayan, ako na ang sumagot para sayo. Ganyan kita ka-mahal". Sabi nito at nagkunwaring hahalikan si Sabrina sa pisngi at agad naman syang itinulak ng mahina ni Sabrina palayo. Sya naman si Maui Mendez, 19. Ang tinaguriang "Annoying Clown" sakanila.

"Anong nangyayari dito?" Sabi ng kapapasok lamang na si Maika Cruz, 20. Ito naman ang "Play Girl" na mahilig makipaglaro sa mga lalaki. " Wala." simpleng sagot nya sa tanong ni Maika. Sya naman si Rosette Santiago, 19. The "Silent One".

Nakasimangot na umupo si Sabrina at sinabing "Sana kasi tinext nyo muna ako o tinawagan na pupunta kayo dito para hindi ako nagugulat na nandito nalang kayo bigla." Sya naman si Sabrina Santiago, 20. Only child. Ang parents nito ay nasa ibang bansa para magtrabaho. Pyra, Ruth, Maui, Maika at Rosette, sila ang matatalik nitong kaibigan at classmate simula nuong First year college nila. Sina Ruth, Maui at Rosette naman ay pinsan nya rin."Sus, kahit na." sabi ni Ruth at saka ibinaba ang paa nya at umayos ng upo.

"Ano ba kasing nangyari ?" tanong ni Maika at umupo din."Yan kasi, puro boyfriends ang inuuna." sabi naman ni Pyra na ngayon ay naglalagay ng kanin sa pinggan nya.

"Eh sa kinukulit ako ng mga yun eh, sorry na" sabi ni Maika at niyakap ang katabi nitong si pyra. "Sus, lagi namang ganyan eh. Para ngang mas importante pa sila kesa saamin" Ani Pyra at sumubo ng pagkain."Lalala~ hindi kaya! Promise, hindi na mauulit" tugon ni maika at lalong hinigpitan ang yakap nito sa kaibigan.

"Sus, ang drama nyo." sabi ni ruth na ngayon ay kumakain na din. "Che!" tanging tugon ni Maika.

"Anong hinihintay mo Sab, pasko? Matagal pa yon dahil June 14 palang at first day natin sa school ngayon." tanong ni Maureen sa pinsan na si Sabrina ng mapansin nyang hindi pa ito kumakain.

"Baliw!" tugon ni Sabrina at sinimulang kumuha ng pagkain."Pero, ano nga kasing ginagawa nyo dito?" pag-iiba nito ng topic. "Para sabay sabay tayong pumasok" simpleng sagot ni Rosette.

"Tama, baka kasi malate ka nanaman. Tulad last year, siguro hindi lalagpas sa sampu ang araw na pumasok kang hindi late" natatawang sabi ni Pyra sa kaibigan."Grabe naman! Tignan nyo nga, ang aga ko ngayon. Nagbabagong buhay na kasi ako ngayong second year college na tayo." nakasimangot na sabi ni Sabrina.

"Anong maaga? Tumingin ka ba sa orasan mo?" tanong ni ruth kaya naman napatingin ito sa wrist watch nya at nagulat "Baket hindi nyo naman sinabi na male-late na tayo?!" 7:50 am na kasi at 8:00 am ang first subject nila.

"Hayaan mo na, first day palang naman eh" sabi ni maika."Yun na nga eh, first day tapos late tayo. Nakakahiya!" sabi ni sabrina.

"Wag ka ngang mag-inarte dyan, kasalanan mo 'to no! Kung hindi ka tulog mantika at makupad kumilos, nasa school na sana tayo" nakataas ang kilay na sabi ni Pyra."Oo na, kasalanan ko na! Tumayo na kayo dyan, aalis na tayo." sabi ni Sabrina at tumayo upang kunin ang kanyang gamit.

"Teka lang! Kumakain pa ako, okay? Hindi ako nag-almusal samin kaya kumalma ka." sabi ni maui sumubo ng maraming beses. "Sa school ka na kumain, male-late na tayo!" sabi ni sabrina habang nakatayo at hinihintay ang kanyang mga kaibigan.

"First day palang, for sure wala pa masyadong gagawin." kalmadong sabi ni Pyra habang patuloy sa pagkain. "Kahit na! Papasok na tayo sa ayaw at gusto nyo." sabi ni sabrina at sapilitang hinila patayo ang mga kaibigan mula sa pagkaka-upo. Wala naman silang nagawa kundi ang sumunod nalamang kay Sabrina.

Sumakay na sila sa van nila Sabrina na maghahatid sakanila papunta sa bago nilang school. Hindi naman malayo ang school na iyon sa bahay nila sabrina kaya kaagad silang nakarating doon.

Saktong pagkarating nila ay agad na tumunog ang "Bell" sa school na bago nilang papasukan at ang ibig sabihin lamang nito ay simula na ang klase.

"Late na tayo" tanging sabi ni Sabrina at mas binilisan nila maglakad patungo sa building ng course nila.

Napahinto silang lahat ng marating nila ang harapan ng building ng course nila. "Anong section ulit tayo?" tanong ni Maureen."2-A" sagot ni rosette habang tinitignan ang kabuuan ng building. Kaagad naman silang pumasok at nagtanong sa guard na nakabantay sa building kung saan ang section 2-A.

"I can't believe this, section A pero fourth floor?" reklamo ni Maureen habang naglalakad sila patungong elevator. "Wag ka na magreklamo---" hindi natapos ni Ruth ang kanyang sasabihin ng may lumabas na isang may edad na babae mula sa isang silid dahilan upang mapatigil silang lahat sa paglalakad.

"What are you guys still doing here?" seryosong saad ng babae na sa tingin nila ay isang professor. "Pasensya na po, kakarating palang po kasi namin." nahihiyang sabi ni Pyra sa guro.

Napailing ang guro "First day na first day, late kayo?" naglakad ito palapit kay Pyra at tinignan nito ang ID nya. "Section A pa man din kayo" iling ulit nito sakanila. Inis naman na tumaray si Maika "Pasensya na ho! Malayo ho kasi yung parking lot sa building na 'to kaya malayo layo rin ho ang nilakad namin at nagtanong pa kami kung saan ang room namin sa guard dahil ho eh Transferees kami". patago namang natawa si Maureen sa tinuran ng kanyang kaibigan.

Napataas naman ang kilay ng guro "Bakit hindi kayo nagpatid sa building na 'to?" napabuntong hininga si maika "Kasi nga ho, transferees kami kaya hindi ho namin alam na pwe---."

"Excuse me po, Ma'am Romero?" napatigil si Maika sa pagsasalita ng may biglang nagsalita mula sa likuran ng guro. "Yes?" napatingin naman doon ang guro at muling nagsalita yung lalaki.

"Kairita naman yang guro na yan" bulong ni Maika sa mga kaibigan. "Umayos ka nga, first day na first day eh." saway sakanya ng kaibigan na si Pyra.

Napalingon ulit ang guro sakanila, gayon din ang lalaki. "Sumabay na kayo kay Lucas patungo sa klase nyo, and i hope this will be the last time na male-late kayo." aniya at pumasok na muli sa silid kung saan ito galing.

"Let's go?" ani ng lalaki at tumungo sa hagdanan. "By the way, i'm Lucas De Leon. How about---"

"Hindi ba natin gagamitin ang elevator? Sayang naman ang pagpapagawa don kung hagdan lang ang gagamitin natin" sabi ni maureen at tumaray. "Well actually miss, mas sayang yung pagpapagawa sa hagdan dahil mostly sa mga students dito ay elevator ang ginagamit." nakangising sagot ni Lucas at napasimangot naman si Maureen.

"Uh, pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan namin ha? Tamad lang kasi talaga sya." nakangiting sabi ni Maika habang nakatingin sa lalaki. "And besides, late na din kasi kami kaya mas okay siguro kung elevator ang gagamitin natin"nakangiti pa ring sabi ni Maika sa lalaki kaya napailing nalamang ang mga kaibigan nito sakanya.

Napangiti naman ang lalaki "Sure thing, Miss." at kumindat pa ito kay Maika na syang naging dahilan upang makurot ni Maika si Ruth. Inapakan naman ni Ruth ang paa ni Maika "What the F, Ruth?!" tinignan lang sya ng masama ni Ruth at pumasok na sa loob ng elevator kaya pumasok nalang din sya.

"So, what's the name of this pretty lady beside me?"

Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon