Sabrina Santiago's Point of View
"Sab, gising na"
"Uy babae , bumangon ka na dyan"
"Sabrinaaaaaaa"
"Hmmmm ano baaa~" Nakaka-asar naman eh. Sino ba 'tong mga nangigising? tsk.
"Pag hindi ka bumangon dyan, papa-akyatin ko dito si aiden" AIDEN?
"Aiden ?" Napa-mulat na sabi ko.
"Oo. Si aiden, nasa baba. Nasa baba silang lahat. " sabi ni maika.
"Ah, baket? anong meron?"
"Wow dude, nakalimutan mo na ?nauntog ka ?"Tanong ni maui.
"Baliw. Ano ba kasing meron ha ?"
"Sab naman. Ngayon ang alis natin , tayo ang nanalo remember ? kaya may 2 weeks vacation tayo at sa loob ng 2 weeks na yun mag-babakasyon tayo sa resort nila hon" ah yun pala.
"Ah. Ngayon na pala ? kala ko bukas pa"
"You mean , hindi ka pa nakakapag-gayak?" tanong ni maika.
"Nope"
"ANO ?!? Diba pina-alalahanan kita kagabi na mag-gayak ka na ?"galit na tanong nya.
"Oo nga . Pero akala ko kasi bukas pa tayo aalis kaya hindi muna ako nag-gayak , kala ko excited ka lang "
"SERIOUSLY SABRINA?" sigaw nya.
"Oo nga"
"Waa~ Sabrina naman eh. Anong oras na, ikaw na lang ang hinihintay. Ang bagal mo pa naman kumilos , tapos mag-gagayak ka pa. Yung totoo sabrina, masasapak na talaga kita" gigil na sabi pa nya.
"Easy bro,easy. Ganto , bumaba na kayo sa baba at duon nyo ako hintayin"
"Hindi , tutulungan ka na namin" sabi ni pyra.
"Nah, kaya ko na. Give me 30 minutes"
"30 minutes ? isang oras nga kulang pa sayo eh" sabi ni maui.
"Pwede ba? kung bumababa nalang kayo diba ? edi sana nakakaligo na ako"
"Tsk. Oo na. Siguraduhin mong sa loob ng 30 minutes bababa ka na dahil kung hindi , papa-akyatin ko si aiden dito." sabi ni maika at lumabas na sila
Anyway, nakapag-gayak na nga pala ako. Trip ko lang silang asarin.
Naligo na ako at nag-ayos ng sarili tapos binuhat na yung mga bag ko. Oo 'mga' 2 weeks kami dun eh.
"I'm Here" sabi ko habang bumababa sa hagdan.
"GoodMorning babe" Yan nanaman sya >.<
"Ah eh go-good morning" bati ko.
"Nakakapanibago" rinig kong sabi ni maika.
"Oo nga. Dati-rati kung magalit sya wagas , pero ngayon kung mahiya akala mo may hiya talaga" sabi ni maui dahilan para batuhin ko sya ng slippers ko .
"Shut up , maui" sabi ko.
"Tara na, malayo-layo pa ang byahe natin" sabi ni pyra.
Lumabas na din kaming lahat at pumasok sa van nila evan. Kila evan pala yung van na ginamit din namin dati.
"Teka, baket dalawang van?" tanong ko pa.
"Yung isa para sa mga gamit natin. Syempre , ayaw naman naming masikipan kayo "sabi ni aiden -.- "Pero sa tingin ko , mas maganda kung siksikan" pahabol nya.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)
RomanceSa Panahon ngayon, madali nalang ang panliligaw. Daanin mo lang sa mga matatamis na salita, pag-pupuri sakanya, sa pagpapakita ng effort at syempre pag-mamahal. Pero ibahin nyo sya. Kung yung iba dinadaan sa matatamis na salita, sya dinadaan ny...