Sabrina Santiago's Point of View
"Sab ? okay ka lang ?" tanong saakin ni pyra.
Monday na ngayon at wala nanamang teacher. May sakit daw.
"Yeah" sagot ko.
Hanggang ngayon , hindi ko parin inakalang ganun na si denden. Ang laki ng pinagbago nya. Saka, akala ko mabait sya pero mukhang hindi.
Umub-ob nalang ako sa table ko. Tsk.
*Tok Tok*
"Ah pwede mo kay Sabrina Santiago?" tanong nung isang istudyante.
"Ah baket po?"tanong ko after kong umayos ng upo.
"Pinapatawag ka ni Mrs. Rolan" sabi nya. English teacher namin si Mrs. Rolan.
Lumbas na ako at sinundan yung istudyanteng tumawag saakin.
Ang pinagtataka ko lang , baket kami papunta sa rooftop ?
"Ah kuya ? baket sa rooftop?" tanong ko.
"Ah , basta sumunod ka nalang " sabi nya.
Narating namin yung rooftop pero wala pang tao.
"Paki-hintay nalang sya dito ah, sige" sabi nung lalaki at umalis na.
Tinignan ko nalang yung baba, yung buong campus. Ang ganda naman pala talaga ng school na 'to.
"Sab" napatingin ako sa likuran ko ng may nag-salita. Si denden ?
"Anong ginagawa mo dito?" galit na sabi ko sakanya.
Tumakbo sya palapit saakin at bigla nya akong niyakap.
"Sab, sorry na oh. Hindi ko naman yun sinasadya eh. Oo sige ,aaminin ko na. Mainitin ang ulo ko , kaya ganun. Konting bagay kinagagalit ko na . Pero please, sorry na . Hindi ko kasi kayang galit ka saakin eh. Mahal na kita" sabi nya.
"Lu-lumayo ka saakin" sabi ko at tinutulak sya.
Umalis naman sya at nakita kong umiiyak sya.
"Ba-baket ka umiiyak , ha ?" sabi ko sakanya.
"Wag ka ng magalit saakin , please ?" sabi pa nya.
"Sobra kasi yung ginawa mo , kaibigan ko yun"
"Oo alam ko , nabigla lang ako. Nauna ang galit ko , sorry na. Promise , mag-sosorry ako sakanya . Please , patawarin mo na ako" sabi pa nya at lumuhod sya.
"Tu-tumayo ka nga dyan" sabi ko.
"Ayoko , hindi ako tatayo hanggat hindi mo 'ko pinapatawad"
"Isa, pag hindi ka tumayo lalo kitang hindi patatawarin"
"Hindi. Tatayo lang ako pag-sinabi mong bati na at okay na tayo"
"Pwede ba ? tsk"
"Sabi, please?"
Tsk Ano ba naman 'to. Nag-isip muna ako bago sumagot "Hays. Oo na , bati na tayo" pasalamat sya at sya si denden. Dahil kung hindi , baka hindi ko an sya patawarin.
"Ta-talaga ?" tanong nya.
"Oo , kaya tumayo ka dyan" sabi ko.
Tumayo sya at bigla nya akong niyakap.
"Salamat , salamat talaga. Promise , hindi na ma-uulet" sabi pa nya.
"Tsk. Wag kang mangako, gawin mo"
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)
Lãng mạnSa Panahon ngayon, madali nalang ang panliligaw. Daanin mo lang sa mga matatamis na salita, pag-pupuri sakanya, sa pagpapakita ng effort at syempre pag-mamahal. Pero ibahin nyo sya. Kung yung iba dinadaan sa matatamis na salita, sya dinadaan ny...