Chapter 9: Try to love again

1.3K 58 0
                                    

Pyra Garcia's Point of View

"Naranasan mo na bang ma-iwan ?" ano daw ?

Naranasan ko na bang ma-iwan ? ako? Oo , naranasan ko na. At hanggang ngayon , hindi ko parin tanggap. Ang sakit parin.

"Tsk, wag mo na nga lang sagutin" sabi nya .

"Ha , hindi. Sasagutin ko. " sabi ko " Oo , oo . Naranasan ko na ang ma-iwan, at ang sakit sakit. Hanggang , hanggang ngayon .. nandito parin yung sakit " sabi ko saka tinuro kung nasaan ang puso ko. Tsk, dapat hindi ko 'to sinasabi sakanya, pero hayaan na nasimulan ko na."Hanggang ngayon , hindi ko parin tanggap ... hindi ko parin tanggap na wala na sya "

Nagulat ako ng bigla syang lumapit saakin at ... Pinunasan yung pisngi ko. Tsk, naiyak na pala ako.

"Ah haha , naiyak pala ako hahaha nakakatawa" sabi ko saka ako na mismo ang nagpunas ng mga luha sa pisngi ko.

"Wala na sya ? nasaan na sya?" tanong nya pagkatapos nyang sumandal ulit sa puno.

"Na-nasa ... nasa .. nasa la-langit na .. nasa langit na sya " Pagkasabi ko nun , hindi ko na talaga napigilan at umiyak na talaga ako. Hanggang ngayon, hindi ko parin tanggap na wala na sya. Ang sakit sakit talaga. Mahal na mahal ko sya at ganun din sya. Mahal na mahal namin ang isa't isa ." Na-naaksidente , naaksidente sya .. sila , silang pamilya.. car accident. Kaga-kagagaling lang nila sa pamamasyal nun.. gabi na, gabi na sila naka-uwi. Habang .. habang nasa daanan sila at bumbyahe pauwi.. merong..merong isang track ang biglang suma-sumalubong sakanila at hindi , hindi na-iwasan agad iyon ni tito kaya .. kaya ayun. Namatay.. namatay sya , pati ang magulang at ang kuya nya... ang ate lang nya ang nabuhay. " naalala ko pa nung araw na kausap ko yung ate nya at talagang iyak kami ng iyak nun. Pumunta yung ate nya sa ibang bansa kung nasaan yung iba nilang pamilya. Lumipas ang ilang months , bumalik sya pero hindi parin ako nakakamove-on. Mahal ko parin sya , pero ang sabi saakin ng ate nya .. tama na .. palayain ko na daw si josh. Pero hindi ko kaya, hanggang ngayon mahal ko parin sya.

Pinunasan ko yung mga luha ko at ngumiti "Haha sorry ah. Eh ikaw ? na-naranasan mo na bang ma-iwan ?" tanong ko sakanya.

Tinitigan nya muna ako bago nag-salita "Oo."

"Pa-paano nangyari ?" tanong ko.

"Iniwan nya ako para sa pangarap nya" sabi nya .

"Ha ? " tanong ko.

"Pangarap nyang maging isang sikat na model at sang-ayon duon ang magulang nya. Kaya naisipan syang dalhin ng magulang nya sa ibang bansa para duon mag-aral at para makapag-aral ng modeling . Umalis sya , silang pamilya at pumuntang america. Hindi sya nag-paalam saakin, ni-hindi manlang nya sinabing pupunta syang ibang bansa. Hanggang isang araw , may natanggap akong isang message ... galing sakanya. Mahaba ang mensahe pero isa lang ang ibig sabihin , tinatapos nya na kung ano man ang meron kami. Ang sabi pa nya , hindi naman daw nya talaga ako minahal. Nakakatawa diba ? ts. Hanggang sa sumunod na araw , may natanggap nanaman akong isang message galing sakanya. Ang sabi nya, ikakasal na daw sya. Ang saya diba ? minahal ko sya , sobrang minahal ko sya tapos gagag*hin lang nya ako. P*tang *ina diba ? P*tang *na .Alam mo bang sya ang first love ko ? kaya ang sakit talaga ng ginawa nya . Lalo na sa sinabi nyang hindi nya talaga ako minahal. P*tang *na lang " kwento nya habang naka-tingin sa langit . Alam ko , pinipigilan nya yung luha nya. Impyernes , nagawa nyang pigilan.

Pero , grabe naman yung babaeng yun. Oo , siguro tama yung tuparin yung pangarap nya. Pero yung umalis ng hindi nagpapaalam ? tapos sasabihing hindi naman pala nya talaga minahal si james ? oo si james 'tong kasama ko. Ang sama nya diba ?ang sama nyang babae . Niloko lang nya si james. Kaya siguro naging masungit 'tong si james , nasaktan eh. Parang ako.

"Alam—-"

"Oy ! Kayong dalawa dyan, may namumuo na bang pag-iibigan dyan ? " sigaw ni tristan. Loko talaga . Kitang seryoso kami dito eh.

"G*go*" sigaw ni james. "Tsk" sabi pa nya at saka tumayo at pumunta kung nasaan sila tristan.

Mag-isa nanaman ako. Kamusta na kaya si josh ? dapat ko na ba talagang kalimutan sya ? Pero ang hirap talaga eh. Mahal na mahal ko sya , kaya ang hirap , ang hirap.

"Mahal ? okay ka lang ?" napatingin ako sa tumabi saakin. Si Sab.

"Ah Oo." sagot ko.

"Alam mo, bagay kayo ni james" sabi nya .

"Tsk. Mas bagay kayo ni aiden" sabi ko sakanya kaya ayun sumimangot hahaha.

"Asa sya " sabi nya .

"Baket hindi mo sya pag-bigyan mahal ? mahal na mahal ka nung tao , kitang-kita naman diba ?" kung alam mo lang kung gaano ka kamahal ni aiden.

"Tsk. Baka pinagtitripan lang ako nyan 'no" sabi nya .

"Mahal , mukha bang pinagtitripan ka nya ? maaaring inaasar ka nya pero way lang nya siguro yun para mapalapit sayo"

"Kahit na mahal , alam mo namang maasarin ako eh. Saka , alam mo naman yung about sa pangako namin ni denden diba? never ko pang sinira yun. Simula nung bata pa kami , hindi ko pa yung sinisira. A promise is a promise " Kung alam mo lang ang totoo , sab.

"Tsk. Sabrina. Baket hindi mo kilalaning mabuti si jayden? baka malay mo , hindi talaga sya si denden diba ? purkit ba sinabi nyang dalmatian ka at denden ang nickname nya sya na agad yun ? mahal , baka niloloko ka lang nya"

"Pyra ! Grabe ka naman sakanya. Hindi nya magagawa yun saakin"

"Mahal, inaalala lang kita. Basta tandaan mo , winarningan kita" 

"Tsk. Oo na ! Maiba nga tayo. Baket hindi mo subukang mag-mahal ulet ng iba ? hindi yung iiyak ka tuwing gabi dahil naalala mo yung ex-boyfriend mo. Mahal , hindi lang sya ang lalaki sa mundo. Siguro , nangyari yun dahil hindi kayo ang para sa isa't isa. Mahal , sayang ang buhay kung hindi mo susubukang umalis sa nakaraan mo. Kung hindi ka mag-momove-on , walang mangyayari sayo. Mahal , mga bata pa tayo kaya i-enjoy mo ang buhay hindi yung iiyak ka tuwing gabi dahil sakanya. Si james , parehas kayo diba ? Oo alam ko ang nakaraan nya , nagkukwentuhan kami duon kanina at kayong dalawa ang napag-kwentuhan namin. Baket hindi mo subukan sakanya ? Parehas kayong iniwan kaya alam kong kayong dalawa ang magkakaintindihan. Mahal, ate na mismo ni josh ang nagsabing palayain mo na sya. Kasi hindi rin matatahimik si josh kung hindi mo sya palalayain . Sigurado akong pagnakamoved-on ka na at naging masaya na ulet , magiging masaya din si josh . Kaya kung ayaw mong malungkot si josh sa kabilang buhay , pilitin mong maging masaya para din sakanya."Ang lalim. Pero oo, tama ang mga sinabi nya.

"Sab, mahal , alam mo namang——"

"Hindi mo kaya ? baket nasubukan mo na ba ? Hindi pa diba ? kaya nga subukan mo eh , hindi yung sasabihin mo agad na hindi mo kaya" oo na ikaw na ang laging tama -.- kelan pa 'to natuto sa ganto? Tsk. "Try to love again"

Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon