"Denden" tawag ko sakanya, nandito kami sa canteen ngayon nila pyra, recess na eh.
Tumingin lang sya tapos naglakad na ulet , hala galit ata saakin.
Tumayo ako at hinabol sya "Uy, denden sorry na oh"
"Tsk" sabi nya lang .
"Please ? sorry na. May humila kasi saakin eh, sorry na . Promise babawi ako"
"Talaga? babawi ka ?" tanong nya kaya agad akong tumango."Okay sige, bukas mall tayo"
"Okay sige. Promise sasama na talaga ko" sabi ko.
"Tsk, wag kang mangako gawin mo" sabi nya.
"Hmp , sorry na nga eh"
"Tss, oo na sige na bumalik ka na dun" sabi nya at ginulo ang buhok ko.
"Ano ba , ts. Sige babye" sabi ko at saka sya tinalikuran.
Pagbalik ko sa upuan nakita ko nandun yung anim na lalaki kasama yung masungit na nang-iwan saakin >.<
Umupo ako sa pwesto ko kanina at pinagpatuloy yung pagkain.
"Tsk. Lumapit ka sakin" sabi nung masungit, hindi ko alam kung sino ang kausap nya."Oy sabi, hindi mo ba ako naririnig ?" inis na sabi nya.
"Wag mo nga akong tawaging sabi ! hindi tayo close" sabi ko sakanya.
Lumipat sya ng upuan at tumabi saakin. "Wala akong pake, baket ikaw ba ang tatawag ? diba ako? tsk. " sabi nya at bigla nya akong pinatalikod sakanya.
"Ano ba ? " sabi ko.
Nagulat ako ng tanggalin nya yung tali ko, at ang mas lalo kong ikinagulat ay yung pagsuklay nya sa buhok ko.
"A-ano bang ginagawa mo?" tanong ko.
"Pagsusuklay nalang hindi mo pa alam? ts" sabi nya.
"Aba, hoy akala mo kung sino ka ah. Tss, tigilan mo na nga yan" inis kong sabi.
"Ikaw ba ang nagsusuklay ha ? tsk"
"Ang sungit mo , nakakaasar ka "
"Wala akong pake sa nararamdaman mo"
"Mas wala akong pake sa nararamdaman mo"
"Tsk" tanging sabi nya tapos nakita ko nalang na tinitirintas nya yung buhok ko, pano ko nakita ? tinignan ko sa salamin.
"Baket marunong ka nyan ? siguro bakla ka no ?" tanong ko.
"Purkit marunong nito, bakla agad ? hindi ba pwedeng pinag-aralan para sa babaeng mahal ko?"Owkey , wala akong masabi.
"A-ang dami mong alam" sabi ko.
"Syempre, nag-aaral ako. Eh ikaw ? nag-aaral ka ba ?"
"Aba , ang kapal ng mukha mo ah. Gusto mo pataasan pa tayo ng grades eh"
"Sus, wag na baka mapahiya ka pa" Argh.Ang yabang >.<
Pagkatapos nyang itirintas ay tinali nya na at pinaharap nya na ako sakanya.
"Ang pangit mo parin" ARGH. NAKAKAASAR
"Ang kapal ng mukha mo , akala mo gwapo ka? pw---- Sfafaelifjaef" bwisit na to ,nagsasalita pa ako ng bigla akong sinubuan ng strawberry. Salamat sya favorite ko yun.
"Tsk. Bastos ka talaga , kita mong nagsasalita ako tapos susubuan mo ko ? grr" sabi ko pagkatapos kong kainin yung strawberry. "Lumayo ka nga sakin, galit ako sayo. Pagkatapos mo kong iwan kahapon? aba, akala mo makatarungan yun . tsk."
"Ang dami mong satsat, bakit hindi mo nalang ako sagutin" owkey ,ang dami nyang alam. nakakainis.
"Sagutin ? baket nagtatanong ka ba ?" tanong ko.
"Hindi , kasi hindi ko na kailangan pang tanungin sayo kasi ako naman ang manliligaw at hindi ikaw. At kapag tinanong kita kung pwede kitang maging girlfriend , alam kong isasagot mo ay hindi. Pero kahit sabihin mong hindi, hindi parin ako papayag dahil akin ka lang , naiintindihan mo?" .......................
"A-ang kapal ng mukha mo, si-sino nagsabing sayo lang ako ha ? tsk"
"Bingi ka ba talaga? syempre ako ang nagsabi na akin ka lang . "
"E-ewan ko sayo. U-umalis ka nga dyan" sabi ko at pilit syang tinutulak.
"Aalis lang ako pag nag-sabi ka ng oo"
"At baket ko naman sasabihin yun ha ? tingin mo sakin bobo para hindi malaman na kapag um-oo ako ay tayo na ? tsk"
"Gusto mo kong umalis ?" tanong nya na ikinalito ko.
"Change topic agad? purkit napahiya lang ? pfft" sabi ko.
"Sagutin mo tanong ko, gusto mo ba akong umalis ?" tanong nya.
"Oo nga diba ? kanina pa kita pinapa-----" O_O nagulat ako ng bigla nya akong kiniss sa noo "Ba-baket mo ko kiniss ?"
"Kase , tayo na " sabi nya at HOLAAA~ NGUMITI Sya.
"Ano? kelan ako pumayag ?" tanong ko.
"Diba , ang sabi ko kapag nagsabi ka ng OO tayo na ? eh nag sabi ka ng oo , kaya tayo na "
"Ang kapal mo , asa ka naman. Tsk, dyan ka na nga " sabi ko .
"Ang init ng ulo mo , binibiro ka lang eh. Meron ka ba ngayon ?"
"Waaa~ Ang bastos mo "
"Anong bastos dun? dapat hindi ka na nahihiya saakin sa mga ganyang bagay, paano nalang kung mag-asawa na tayo? mahihiya ka pa ? tsk" >/////< Ano ba tong lalaking to? tsk.
"Sab, nangangamatis" rinig kong sabi ni maui.
"Che~" sabi ko sakanya. "At ikaw, pwede ba ? tantanan mo ko. Hindi ako natutuwa sa joke mo"
"Baket , sino ba ang nagsabing nagjojoke ako? "
"Wala"
"Oh , wala pala eh tsk. Tara na nga " sabi nya at hinila na ako patayo ng upuan.
"Ano ba ? "
"Ano din ? tsk. Tara na , hayaan mo na sila dyan"
"Pwede ba ? masyado kang feeling close eh"
"Gano kaclose ? ganto?" nagulat ako ng bigla nya akong hilahin palapit sakanya na para na kaming magkayakap.
"A-ano ba " sabi ko at pilit na tinutulak sya.
"Tss, sasabog ka na "
"A-ang kapal ng mukha mo. Tss" sabi ko at nauna ng maglakad.
Nagulat ako ng bigla nya akong akbayan kaya tinanggal ko iyon pero binalik nya ulet >.<
"Saan mo gusto mamaya ?" tanong nya habang naglalakad kami.
"Sa bahay" sagot ko.
"Umayos ka tignan mo makakatikim ka saakin"
"Aba, tinatanong mo ko tapos magagalit ka sa sagot ko? ts"
"Alam mo ba ang ibig kong sabihin sa sinabi ko ? tsk. Inaaya kitang umalis , nanto"
"Aba hoy baket mo ko minumura? saka ganyan ka ba mang-aya? siguro kaya wala kang girlfriend kasi ang pangit ng mga way mo tss"
"Hindi kita minumura, minamahal kita. At kaya wala akong girlfriend kasi ikaw lang sapat na"
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)
RomanceSa Panahon ngayon, madali nalang ang panliligaw. Daanin mo lang sa mga matatamis na salita, pag-pupuri sakanya, sa pagpapakita ng effort at syempre pag-mamahal. Pero ibahin nyo sya. Kung yung iba dinadaan sa matatamis na salita, sya dinadaan ny...