Ang Masungit kong Manliligaw

5K 142 5
                                    

"Liligawan kita" sabi ni Aiden na ikinagulat ni Sabrina. "Ano?! Hindi, i mean ayoko. Ayoko pa magkaroon ng boyfriend."

"Liligawan kita kasi gusto ko." sabi pa ni Aiden at lumapit kay Sabrina."No. Hindi nga kita kilala, at hindi mo rin ako kilala." paatras na sagot ni Sabrina sa lalaki na patuloy ang paglapit sakanya. "Aiden park at ikaw si Sabrina Santiago. Ayan, magkakilala na tayo".

"Ayoko pa rin, wala pa sa isip ko ang magboyfriend. Saka, hindi kita gusto!" tanggi pa rin nito."So? Wala akong pake sa nararamdaman mo. Liligawan kita sa ayaw at gusto mo, ako ang manliligaw at hindi ikaw. Naiintindihan mo?" inis na tugon ni Aiden at hinila si Sabrina palabas ng silid.

"Ano ba? San mo ba ako dadalhin?" pilit na hinihila ni Sabrina ang kamay sa lalaki."Tatanan ka".

"Sira ba ulo mo? kanina liligawan mo lang ako, ngayon tatanan mo na ako?" inis na nilingon sya ng lalaki."Tatahimik ka o hahalikan kita?" nanlaki ang mata ni Sabrina sa narinig kaya napatahimik ito. "Pwede ba? Magdahan-dahan ka naman sa paglalakad, konti nalang madadapa na ako eh" tinignan lang sya ng masama ni Aiden kaya napatihimik nalang ulit sya.

Narating nila ang parking lot na hingal na hingal si Sabrina."Sakay" utos ni Aiden sakanya na ikinagulat nya. "Ayoko nga, baka kung saan mo pa ako dalhin" sabi nya at tumaray. Nagulat sya ng unti-unting lumalapit sakanya si Aiden dahilan upang mapasandal sya sa kotse. Mabilis pa sa alas kwatro ng pumasok sya sa loob ng kotse. Kainis, isip ni sabrina.

Pumasok na din si Aiden "Saan mo ba kasi ako----" napatigil sya sa pagsasalita ng lumapit nanaman si Aiden sakanya."Feeling mo hahalikan kita? Asa!" napaatras kasi si Sabrina ng lumapit ito. Nakakainis talaga, isip isip ni sabrina. Inayos na ni Aiden ang seat belt nito na naudlot dahil sa tinuran ni sabrina.

Pinaadar na ni Aiden ang kotse at lumabas sa school nila.

Kabadong kabado si Sabrina dahil hindi nya alam kung saan sya nito dadalhin."Hoy! Ibalik mo na ako sa school, baka hinihintay na ako ni denden---" napatigil sya sa pagsasalita ng magpreno ito ng malakas at sumigaw."BABA"

Napalunok sya sa takot "Ba-bakit?" tinignan sya nito ng masama "Pagsinabi kong baba, baba." napakagat labi sya dahil sa takot at inis "Dinala-dala mo ko dito tapos papababain mo ako? Hello, ang layo na natin sa school!"

Napailing ang lalaki at napangisi "Anong pake ko? Diba gusto mo ng bumalik sa school dahil baka naghihintay sayo yung DENDEN? edi bumalik ka. Pakibilisan nalang ang pagbaba dahil nasasayang ang oras ko." Napabuntong hininga nalang si sabrina at padabog na lumabas ng kotse.

Hindi alam ni Sabrina kung paano sya makakabalik sa school dahil hindi nya nadala ang bag nya dahil hinila nalang sya bigla ni Aiden. Kinapa nya ang bulsa at napangiti ng nandoon ang cellphone nya.

May araw ka rin sakin, Aiden. Isip ni Sabrina habang nakatingin sa kotse na ngayon ay umandar na paalis.

Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon