Sabrina Santiago's Point of View
"Hindi nyo ata kasama yung mga lalaki ?" napatingin kami sa harapan. Nasa classroom na kaming anim , pero sila aiden hindi makakapasok ngayon. May pinasundo daw sa airport yung mommy nya, at kailangan daw kasama pati sila james. Ganun ba ka-espesyal yung susunduin nila ? ts.
Hindi namin sila pinansin at pinag-patuloy lang sa mga ginagawa namin.
"Mag-be-break din kayo" napatingin ako sa nag-salita , si tyrone.
"Kelan pa naging kayo ?" tanong ni jayvee pero hindi ko sya pinansin.
"Eh kayo ? may boyfriend na din ba kayo ?" tanong ni nicolo kila maika pero hindi rin sila pinansin.
"Hindi nyo talaga kami papansinin ? hindi na ba kayo natatakot saamin? "tanong ni xyke.
"Baka hindi na bro, kasi nga diba may mga kasama na silang lalaki na BAKA kaya silang protektahan."sabi naman ni jayvee.
"Ganto nalang. Pag hindi kayo nagsalita, bubugbugin namin ang mga lalaking yun"sa sinabi ni rafael , napatingin kaming anim sakanya. Tapos nagkatinginan kaming anim.
"Ano? hindi parin ba kayo magsasalita ?"tanong ni benz
Huminga ako ng malalim at saka nagsalita "Wag nyo silang sasaktan"
"Sa isang kondisyon"sabi ni tyrone.
"Teka, kondisyon nanaman ? diba ang sabi nyo kapag hindi kami nagsalita sasaktan nyo sila ? nagsalita naman na si sab ah? tapos may isang kondisyon nanaman para hindi nyo sila saktan? ang sama nyo talaga"sabi ni maika.
"Ang tapang mo na talaga ngayon. At oo , masama talaga kami pagdating sa taong gusto namin"sabi ni nocolo.
"Pwede ba ? ano ba kasing gusto nyo ha ? baket nyo kami sinundan dito ?"tanong ni maui.
"Kasi, gusto namin kayo. Mahirap bang intindihin yun ?"tanong ni jayvee. Nagkatinginan kaming anim at umiling-iling. Gusto nila kami? sus, hindi lang nila alam na alam namin ang tungkol sa pustahan.
"Hindi, hindi mahirap intindihin yun pero mahirap paniwalaan"sabi ni pyra.
"Gusto nyo bang patunayan pa namin?"tanong ni benz.
"Wag na , kasi kahit anong patunay ang gawin nyo hindi parin kami maniniwala"sabi ni ruth.
"Talaga ? kahit bugbugin namin ang mga lalaking 'yon ?"tanong ni xyke.
"Wag nyo silang sasaktan"sabi ni rosette.
"Alam mo , nakakapanibago ka na talaga. Dati, hindi ka nagsasalita kundi minsan lang pero ngayon madalas. Anong nangyari sayo? Namiss mo ba ako ?" tanong ni xyke.
"Dude, ang taas ng pangarap mo. Baket naman kita mamimiss ? eh masaya nga ako nung lumipat kami dito kasi hindi na kita makikita"sagot ni rosette.
"Anong sinabi mo ?!"galit na tanong ni xyke.
"Oh baket? gusto mo ulitin ko ulet ? madali naman ako kausap eh"sabi ni rosette. Nakita ko namang niyukom ni xyke yung kamao nya .
"Pasalamat ka at gusto kita kaya hindi kita masasaktan. Pero sa ginawa mo, bubugbugin nalang namin yung mga lalaking yun"sabi ni xyke.
"Sino ? kami ?"napatingin kami sa bagong dating. Sila Aiden. Teka, akala ko ba may susunduin sila ? baket nandito sila.
"Buti naman at dumating na kayo. " sabi ni jayvee.
"Oh baket? namiss nyo agad kami?"tanong ni gavin.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)
RomanceSa Panahon ngayon, madali nalang ang panliligaw. Daanin mo lang sa mga matatamis na salita, pag-pupuri sakanya, sa pagpapakita ng effort at syempre pag-mamahal. Pero ibahin nyo sya. Kung yung iba dinadaan sa matatamis na salita, sya dinadaan ny...