Pyra Garcia's Point Of View
"Maui ano ba? Ang bagal mo naman kumilos eh" naiinis na sabi ni maika.
Pupunta kasi kami sa mall at mamamasyal, bored kasi kami kaya nagka-ayaang mamasyal. Saka matagal-tagal na din kaming walang bonding na kami kami lang walang boyfriend haha
"Eto na oh tapos na!" sabi nya, nag-ayos kasi sya ng make-up nya pero light lang naman para daw maganda haha loko-loko talaga.
"Tara na " sabi ni rosette habang hawak parin ang cellphone at for sure ka-text nanaman nya si tristan, bakit kasi hindi nya pa sagutin si tristan eh dun din naman ang punta nila.
Sumakay na kami sa sasakyan ni ruth at pumunta sa choochoo mall.
"What to do first?" nakapa-mewang na tanong ni maui.
"Kain!" sabi ni sab.
"Kain? eh kakakain palang natin sainyo sab! Napag-hahalataang matakaw eh" sabi ni maika.
"Wow, nagsalita ang hindi matakaw!"sabi ni sab at inirapan si maika.
"Mag-laro nalang muna tayo sa timezone!" sabi ni ruth at nauna ng mag-lakad kaya wala na kaming nagawa kundi ang sumunod.
"Sab! laro tayong basketball, pataasan ng score. Kung sino talo, gagawin yung utos ng nanalo. Ano deal?" tanong ko kay sab.
"Deal, ha ako patalaga hinamon mo" sabi nya at nginisihan ako.
"Talaga lang ha, tignan natin" sabi ko at nagsimula na kaming mag-shoot.
Lumipas ang ilang minuto..
"Oh ano sab? Akala ko ba magaling ka ? pft hahahaha" sabi ko at tinawanan sya. Pano ba naman kasi tatlo lang ang na-shoot nya hahaha
"Hoy! wala naman akong sinabing magaling ako diba? ang ibig kong sabihin na ako pa talaga ang hinamon mo eh, ako pa talaga kung na hindi marunong jusko. Saka FYI dalawa lang lamang mo sakin 'no kung hindi lang nangawit braso ko baka nalagpasan pa kita" sabi nya at inirapan ako hahaha loka-loka talaga 'to.
"Kahit na gagawin mo parin ang utos ko" sabi ko.
"Okay fine, ano ba yun?" sabi nya at nagcross-armed.
"Hmm saka na pag-iisipan ko pang mabuti kung ano yun" sabi ko at kinindatan sya pero inirapan lang ako hahaha
Hinanap na namin yung apat para makalibot pa kami.
Lumabas na kami sa timezone at naglibot-libot.
"Wow! Tara duon tayo biiiiis!" mabilis na tumakbo si maui sa loob ng isang store. Hindi ko na nakita yung name kasi napatakbo narin kami sa loob. "Ito! bili tayong lahat nito para pare-parehas tayo" sabi nya at pinakita samin yung t-shirt na sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)
RomanceSa Panahon ngayon, madali nalang ang panliligaw. Daanin mo lang sa mga matatamis na salita, pag-pupuri sakanya, sa pagpapakita ng effort at syempre pag-mamahal. Pero ibahin nyo sya. Kung yung iba dinadaan sa matatamis na salita, sya dinadaan ny...