Chapter 37: Barkada

914 40 2
                                    

Pyra Garcia's Point of View

"Waaa~ Asan na ba kasi si sab? anong oras na ah"  pag-wawala nitong si maui.

Nandito kasi kami ngayon kita sab , mag-sleep over daw kami pero wala parin si sab hanggang ngayon. 1 am na kaya.

Nung tumawag ako sakanya, inagaw kasi nitong mga 'to kaya siguro binaba ni sab dahil ang ingay . Tapos nung tinawagan namin ulit , hindi na sinasagot.

"Diba ang sabi ni yaya, kasama daw ni aiden?" sabi ni rosette habang nakatingin sa cellphone nya at alam kong hindi ito naglalaro at tingin ko , katext nya si tristan. M.U na ata sila.

"Oo nga ,tama. Tatawagan ko si lucas" sabi ni maika at sinimulan ng tawagan si lucas.

"hellow ? sweety?"

"Ah magkakasama din kayo?"

"Ah , ahm kasama nyo ba si aiden?"

"HINDI ?! eh asan sya ?"

"DATE ?! SILA ?! ANONG ORAS NA PERO WALA PARIN SILA AH ?! HINDI KAYA MAY NANGYARI NA SAKANILA ?! ANO----hehehe , sorry sweety"

"Anong wag mag-alala ? eh sweety naman eh"

"Aish, okay fine. Sige, bye. I love you too"

"oh ? Anong sabi ?" tanong ni maui.

"Wala din daw si aiden at sabi nya nag-date daw yung dalawa" 

"First date kasi nila, kaya siguro sinulit na nila at kaya hanggang ngayon wala parin" sabi ni rosette. Nakakapanibago na talaga 'tong babaeng 'to -.-

"Oo nga , pero kasi gabi na " sabi ni maui.

"Wag daw tayong mag-alala, hindi naman daw hahayaan ni aiden na mapahamak si sab" sabi ni maika.

"Sabagay. Tara nuod muna tayong movie " mood-swing nitong si maui

Nanuod nalang kami ng movie habang hinihintay si sab.

Biglang nag-vibrate yung phone ko , may nagtext... si hon <3 

From:Hon <3

Hi Hon, gising ka pa ? iloveyou <3

To:Hon <3

Iloveyoutoo <3

From:Hon <3 

Ano po gawa ng hon ko?

 To:Hon <3

Wala po, hinihintay lang si sab sa pag-uwi habang yung apat dito nanunuod at nagcecellphone. Ikaw po ?

From:Hon <3 

Movie marathon po kami , sayang wala ka dito <3

Napatingin ako sa kung saan dahil may narinig akong parang kinikilig . Hindi naman si maika at si maui, dahil seryoso sila sa pinapanuod nilang barney. Hindi naman si ruth dahil naglalaro sya ng psp , paano sya kikiligin ? tekken nilalaro nya. Napatingin ako kay rosette, na nagcecellphone. At sa tingin ko , hindi sya naglalaro dahil iba yung pagkakahawak nya sa cellphone nya. At sa tingin ko , sya yung narinig ko. Tsk Tsk Tsk , mukhang malapit ng maging sila.

To:Hon <3

Ah hon , si tristan ba hawak yung cellphone nya ?

From:Hon <3

Yes hon , paano mo nalaman ? kilig na kilig nga eh.

Sabi ko na eh, ang galing ko talaga manghula hahahaha.

Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon