Sabrina Santiago's Point of View
"Baby, wake up"
"Asawa ko , gising na "
"Hmmmmm"Sino ba 'tong nanggigising ? Ang aga-aga eh.
"Wake up, aalis pa tayo"
"Sabi , gising na sabe"
"Hmmmm ano ba !" argh ! nakaka-asar naman eh.
"Isa , pag hindi ka bumangon tignan mo !"
"Ayaw mong gumising ? okay sige..."
"WAAAAAAA~ Ano ba ! hahahaha Ano ba , tama na ! hahahahaha tama na please" Nagulat ako ng bigla nya akong kilitiin .
"Ts. Gumising ka na !"
Naka-upo na ako ngayon at nakatingin lang sakanya .
Loading.....
"WAAAAAAAA~ ANONG GINAGAWA MO DITO ?!" sigaw at tanong ko. Ano bang ginagawa nito dito ? Nagtago naman ako sa kumot.
"Ang aga-aga , ang ingay. Aalis tayo, remember ?" sabi nya na kunot ang nuo.
"O-oo, na-aalala ko. Pero , anong ginagawa mo dito ha ? pa-paano ka naka-pasok ?! Nandyan din ba sila pyra ?" sa totoo lang , ayaw na ayaw ko ang nagpapapasok sa kwarto ko at alam yun ng yaya ko. Pero dahil sa mga likas na makukulit ang mga kaibigan ko , walang nagagawa si manang kundi pumayag na pumasok sila dito. Kaya , hindi ko alam kung paano nakapasok si aiden dito.
"Wala " simpleng sagot nya. Sumilip naman ako at tanging ulo ko lang ang naka-litaw.
"Wala ? eh baket ka pinapasok dito ?"
"Sabi naman !" galit na sabe nya.
"Baket ? nagtatanong lang naman ako eh. Paano nga ?"
"Ts. Sinabi ko na asawa mo ako kaya hayaan nya akong pumasok dito" O______________O
"SINABI MO YUN !?" napatayo ako sa kama habang sinasabi yun.
"Umupo ka nga , para kang tanga eh"
"Anong sabe mo ? ako tanga ? Naman aiden eh " sabe ko at padabog na umupo sa kama .
"Baket ? " pa-inosente nyang tanong.
"Paano kung sabihin yun ni yaya kila mommy ? na asawa kita , na may asawa na ako ? Ang alam lang nila , may boyfriend na ako!"Jusko yari talaga ako nitooo. Eh bawat galaw ko dito , sinasabi ni yaya kila mommy tapos agad-agad namang naniniwala sila mommy at ang malala, baka umuwi sila dahil dun.
"Sinabe mo na sakanila ?" tanong nya.
"Na ?" tanong ko.
"Na , may boyfriend ka na" naka-ngiti nyang sabe.
"Natural. Mag-wa-one-month na tayo 'no, kaya dapat na sabihin ko yun sakanila kahit wala sila. Minessage ko nga lang sila at hanggang ngayon, hindi parin sila nagrereply"
"Don't worry, alam ko namang papayag sila sa relasyon natin eh" sabi nya at humiga sa kama ko.
"HOY ! TUMAYO KA NGA DYAN" sabi este sigaw ko sakanya.
"Baket ba ? pahiga lang naman sa kama mo eh. Kasi pagkinasal na tayo, duon na tayo titira sa bahay namin o kaya sa sarili nating bahay. Kaya , hayaan mo na akong kahit minsan eh matry ko yung kama mo." -_________________-
"Umayos ka nga. Lumabas ka na , maliligo na ako"
"Ts. Oo na " sabi nya at tumayo saka lumabas.
BINABASA MO ANG
Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)
RomanceSa Panahon ngayon, madali nalang ang panliligaw. Daanin mo lang sa mga matatamis na salita, pag-pupuri sakanya, sa pagpapakita ng effort at syempre pag-mamahal. Pero ibahin nyo sya. Kung yung iba dinadaan sa matatamis na salita, sya dinadaan ny...