Chapter 23: Will You be My Girlfriend ? (Part 2)

1.1K 56 2
                                    

Sabrina Santiago's Point of View.

"Sabrina Santiago , will you be my girlfriend ?"SHT. Hindi ko na kaya , kanina pa ako kinikilig habang umiiyak sa saya. Ang saya ng gising ko.

Napatingin naman ako sa paligid na maraming kumukuha ng pictures at sumisigaw ng 'oo' at isa na duon ang mga kaibigan namin.

Tumingin na ulet ako kay aiden na ngayon ay naka-luhod sa harapan ko at naghihintay ng sagot ko.

SHT. Ito na, ito na yung araw na pinaka-hihintay ko. Ang araw na tatanungin nya ako. Sht, kinikilig ako. Pakurot pleeeeeaaaaase.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita "Hindi mo ba ako sasaktan ?"

Ngumiti sya "Hindi ko mapapangako , pero gagawin ko"

"Hindi ka mambababae ?"

"Magkakaroon lang ako ng ibang babae pag girl ang baby natin" SHT SYA.

"Hindi mo ako iiwan?"

"Baket kita iiwan ? hindi naman ako aalis eh. At kung aalis man ako, kasama dahil hindi ko kayang hindi ka kasama"

"Hindi ka mag-sisinungaling saakin?"

"Hinding hindi ko magagawa yun sayo. Kelan ko ba sinabing maganda ka ? hindi pa diba ? kaya hindi pa ako nagsisinungaling sayo at hinding hindi ako magsisinungaling sayo. Lahat ng sinasabi ko sayo , totoo at walang halong biro at kasinungalingan." Sa sinabi nya , binatukan ko sya. Ang kapal , kala mo kung sinong gwapo.

"Mahal mo ba talaga ako?"

"Higit pa sa iniisip mo"

"Gaano mo ako kamahal ?"

"Handa kong isugal ang buhay ko para sayo"

"Paano kung ayaw saakin ng family mo ?"

"That will never happen. Matagal ka na nilang gusto, actually hinihintay ka na nga nila sa bahay eh"

"Paano kung may malaman kang ugali ko na ayaw mo ?"

"Edi tatanggapin ko , kasi mahal kita"

"Paano kung malaman mong may iba akong gusto ?"

"Papatayin ko" Kinutusan ko nga.

"Umayos ka "

"Baket ? seryoso ako sabrina. Pag nalaman kong may iba kang lalaki, baka hindi ko matiis at mapatay sya. Okay lang saakin kung makukulong ako, at least napatay ko yung lalaki mo ."

"Pwede ba ? hindi ko gagawin yun. Pero teka, alam mo naman yung about kay denden diba ?"

"Yeah. Don't worry, handa kitang ipaglaban kahit ang kapalit ay ang buhay ko. Saka, matagal pa yun wag mo munang isipin"

"Gusto ko , ako lang ang babae mo ah"

"Hindi naman pwede yun"

"Ano? at baket naman ha ?"

"Syempre , sila mommy at si ate. Tapos si mama at yung mga baby natin"

"Sinong mama ?" tanong ko.

"Mama mo , na magiging mama ko na din. "

"Tsk. Seryoso ka ba talaga saakin ?"

"Hindi naman ako maghihintay ng ganung katagal kung hindi ako seryoso sayo eh. Saka, simula bata palang tayo gustong gusto na kita"

"Simula bata ? kilala mo na ako nun ?"

"Oo, kilalang kilala"

"Teka, baket ikaw ? hindi ko kilala ?"

"Kasi, mali yung inakala mong ako"

"Ha ?"

"Pwedeng wag muna nating pag-usapan yun? Sagutin mo muna ako."

"Paano kung ayoko ?"

"Magpapakamatay ako."

"Sira ka ba ? para saakin magpapakamatay ka ?"

"Oo, kasi ikaw ang buhay ko" SHT.

"Sabrina! Wag na puro satsat , sumagot ka na " rinig kong sigaw ni maui. Yari talaga yun saakin mamaya.

"Mahal ka nyan , maniwala ka "sigaw naman ni evan.

"Ikaw lang ang babaeng minahal nya simula bata pa sya at wala ng iba" sigaw naman ni james.

"Sabrina ! Sumagot ka na , alam kong matagal mo na 'tong hinihintay" sigaw naman ni maika. Bruha sya.

Hinintay kong magsalita yung iba pero hindi na sila nagsalita kaya tumingin na ako ulit kay aiden.

"So?" tanong nya habang taas- baba ang kilay. Tsk pogi.

"Miss! Sumagot ka na"

"Oo nga miss, bagay kayo"

"Bilis na miss, sayang effort ni boy oh"

"Sagutin mo na miss, anong oras na oh. Hindi kami makakatulog pag hindi mo sya sinagot"

Aba, ako pa ang sinisi.

"Sumagot ka na kasi, kung ayaw mong sugurin ka nila" sabi pa nya saakin.

Huminga ako ng malalim at saka ngumiti at sumagot "Oo aiden, oo sinasagot na kita" sabi ko sakanya habang tumatango.

"Alam ko." sabi nya at niyakap ako.

"Anong alam mo?" tanong ko.

"Alam ko namang sasagutin mo ako, kaya hindi na ako kinabahan."

"Ano? Ang kapal mo din eh 'no, dapat hindi nalang——-"

"KYAAAAAAAAAAAAAA~ " tilian ng mga tao. Bwisit kasi 'tong si aiden eh, bigla akong kiniss >.< Kilig tuloy ako.

"Wag na kasing maraming satsat, sige ka mamamaga yang labi mo." sbai nya. Bigla naman nyang kinuha yung kamay ko at sinuot yung singsing."Suot mo naman yung saakin."

"Ayoko"

"Ah ganun ? sige"

"Oo na, oo na" bigla ba namang umambang hahalikan nanaman ako. 

Sinuot ko sakanya yung singsing at todo ngiti naman sya.

"Dahil tayo na , iibahin ko na ang tawagan natin" sabi nya.

"At ano naman ?"

"Asawa ko"

"A-ano ?" 

"Asawa ko na ang tawagan natin. Tutal , para rin naman tayong kinasal dahil may singsing tayo"sabi nya at pinakita yung singing sa daliri nya.

"Tsk . Oo nalang " sabi ko sakanya.

"I love you asawa ko" sabi nya at hinawakan ako sa waist ko.

"Hmp I love you too"

"Kulang" sabi nya at ngumuso.

"Ano naman yun ha ?"

"Yung asawa ko" sabi nya at lalong ngumuso. Tsk Cute.

"Okay , okay. " sabi ko "I love you too Asawa ko" 

Ngumiti naman sya ng pagkalaki-laki.

"Oh ayan aiden, na-record ko " sabi ni tristan at inabot yung phone ni aiden .

"Ni-nirecord mo?" tanong ko kay tristan.

"Ah eh oo, yung 'i love you too Asawa ko' lang naman " sabi nya.

Nakita ko namang ngiting-ngiti si aiden tapos " I love you too asawa ko

I love you too asawa ko

I love you too asawa ko"


Ang Masungit kong Manliligaw (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon